|
|
| Na-disappoint kami sa Reporter's Notebook![]() Column: Insider Hot copy pa rin si Nora Aunor kahit na wala sa Pilipinas at nasa US siya. We got our share of calls and text messages after naipalabas dito sa atin ang ASAP show sa Pasadena, California. Marami ang nakapansin sa pagkanta at pagputi ni Nora. Ayon sa kanila, lalong gumaling si Nora sa pagkanta ng People. Lahat ay umangal sa messages nila sa amin na hindi man lang nagsalita si Nora after her song. We got three messages from our Kapamilya sa ABS-CBN. Similar messages. Ayon sa kaibigang Eric John Salut: ""...Nora's full-length interview will be in The Buzz, live from San Francisco with Boy Abunda this Sunday. Don't worry, it will be something na matutuwa ang Noranians."" And from the Noranian camp: ""Update USA. Mas masaya at mas exciting ang sunod na mangyayari dito sa mga Noranians dahil special uli sa ASAP. Live from San Francisco sa Linggo riyan. Special guest si Ate Guy sa The Buzz with Boy Abunda at later kay Mel Tiangco, Linggo din live from San Francisco."" *** Impressive ang dalawang documentaries na ginawa noon pa ng UP students tungkol sa Boracay at isang palengke. Ipinalabas ito sa Dokyu hour ng ABC 5 na hinu-host ni Ann Torres. Kawili-wili ang ginawa nina Phillip Lizardo at Luis Avancena tungkol sa Parausang Paraiso na resulta ng interview kina Lydiamae, 17; Iris, at isa pang batang babae, 16. Runaways sila mula sa broken homes at naging parausan ng foreigners sa Boracay. Maganda ang kamera kahit hindi ipinakita nang husto ang mga mukha ng bata. May sinasabi ang dokyu. Napaiyak kami sa sabi ng Mayor ng Malay, Aklan, kung saan bayan ang Boracay: ""Ang priority namin ay mga turista at tourism industry..."" Ang hindi niya sinabi means a lot. We cannot help but compare the Avancena-Lizardo sa episode ni Oscar Ojeda (?) sa Reporter's Notebook ng GMA. Tila sinasagot nila ang sitwasyon kung bakit marami ang mga wanted criminals ngayon at kung bakit bigo ang pulis sa paghuli. Disappointing ang paggamit ng camera dahil walang malaman na sinabi ang mga ininterbyu. Kaya kung minsan, naka-close up sa mga kamay at daliri at kuko o mata o labi ng kanilang mga subject. Tila nagpapa-drama effect. Wala namang sinasabi. Ang mga ganitong material siguro ay maganda sa radyo o print lang at hindi pan-TV. Kaya nga Reporter's Notebook -- better read or heard than through unexciting, useless shots. Sayang ang gamit ng kamera at oras. *** Ipalalabas na ng Gantimpala Theater Foundation (GTF) ang kanilang 28th season opener, ang Florante at Laura. May mga baguhan silang bini-build up dito bilang artista sa teatro. New torches of the theater, sabi nila. Si Michael King Rieta, 20, ay gumaganap na Florante at narrator. Lumabas din siya bilang Basilio at Lucas sa Kanser (Noli Me Tangere) at aktibo siya sa Our Lady of Fatima parish sa Valenzuela City. Menandro ang papel ni Yutaka Yamakawa, 20, sa Florante at Laura. Kung minsan siya rin si Aladdin. Naging Padre Salvi rin siya sa El Filibusterismo at Fred sa Wanted: A Chaperone. Sa Linggo magsisimula ang palabas ng Florante at Laura, 6:00 PM sa Concert at the Park Open-Air auditorium at sa July 27 (Miyerkules), 10:00 AM/2:00 PM sa Assumpta Theater, Assumption College, Antipolo. For inquiries, call tel.# 899-5745 or 896-3503. *** Naghahanda ang mga kaibigan naming Norman, Kim, Osang at Lovely Amor para sa kanilang palabas na SuperNovas sa Zirkoh Timog sa Hulyo 26, Martes. In a way, parang showdown din ito dahil the D'Novas meets the Incrediboys na sina Wally Bayola at Jose Manalo. For reservation and tickets, tumawag sa tel.# 995-0874 o cell# 0917-810-9394. Incidentally, tuloy pa rin ang Trip To Fame launch sa Klownz Araneta sa Hulyo 25, Lunes. Kasali rito ang D'Novas nina Norman, FYI, Himitsu at Maldivas. *** PERSONAL NOTES: Kaarawan bukas ni Gennyfer Raymundo, only child nina Ferdinand Raymundo at Jennylyn Evangelista of Sta. Cruz, Manila. Greetings mula sa kanyang pamilya, mga pinsan at Lola Ursula Fabian Raymundo ng Hagonoy, Bulacan. Seven years old na si Gennyfer na nag-aaral sa UST Grade School." Source: Abante Tonite |