Mar 21
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Nagbibinatang aktor, pakalat-kalat sa kalsada kasama ang mga adik na kaibigan!

Nagbibinatang aktor, pakalat-kalat sa kalsada kasama ang mga adik na kaibigan!

Author: Jojo Gabinete
Column: The Source

UMIIKOT sa cellphone ng mga entertainment writers ang kuwentong ito: Nakita sa isang ospital noong Lunes (noontime) ang male celebrity na madalas na nasasangkot sa mga showbiz scandal.

Kasama ng male celebrity ang unidentified girl na isinugod sa ospital. Karga-karga ng male celebrity ang babae mula sa sasakyan hanggang sa emergency room. Reportedly, drug indigestion ang dahilan ng panghihina ng pasyente.

***

Nag-aalala ang isang entertainment writer para sa isang nagbibinata na award-winning child actor. Nakatira sa iisang lugar ang dalawa at madalas na nakikita ng entertainment writer na nakatambay sa kalsada kahit madaling-araw na ang batang aktor.

Worried ang entertainment writer dahil mga kapwa kabataan na kilalang may mga bisyo sa kanilang lugar ang barkada ng batang aktor. Kung hindi raw matututukan ng mga magulang ang nagbibinatang aktor, baka magkaroon ito ng masamang bisyo tulad ng mga kaibigan niya.

***

Si Chris Fiel ang nanalo ng Mr. Personality at Mr. Friendship awards sa Manhunt International Contest na ginanap kamakailan sa Jin Jiang, China. Siya rin ang first runner-up ng winner na si Jaime Augusto Mayol ng Puerto Rico.

Si Chris ang reigning-title holder ng Ginoong Pilipinas USA 2006 at siya ang nag-represent sa Philippines-USA west coast sa Manhunt International. Si Oliver Carnay ang nagpadala sa amin ng report tungkol sa karangalan na natanggap ni Chris:

Born to parents of Filipino, Japanese, Irish and Swedish descent, Fiel is currently living in Camarillo, California and is a part-time model and GUESS sales consultant, and was also featured on MTV�s reality-based TV show "Date with My Mom."

He speaks French, Japanese, Spanish, and English fluently. He plans to pursue acting and is currently reading scripts for upcoming projects.

Ang 25 year-old model na si Iago Lagapa Raterta ang naging representative ng Pilipinas sa Manhunt International pero hindi siya pinalad na manalo.

***

Mula kay Nancy Wong (nancy_wong7374@yahoo.com) ang email na para kay Ka Alfie Lorenzo pero hindi niya alam ang email address ng manager ni Judy Ann Santos:

I would like to ask for a favor, if you could pass this message to Tito Alfie because I do not have his email address.

I am an avid fan of Juday and I would like to request if he can feature Juday on his column on her birthday on Thursday or whenever she get a chance to answer all the questions.

Something like getting personal with Judy Ann Santos. We want to know more about her like her favorites (music, food, book, places, brands, hobbies etc.).

Her interests, her beauty secret, beauty products, showbiz friends and non-showbiz friends. I hope Tito Alfie can produce more questions that is more interesting.

We are looking forward for this column. We hope to see Juday in LA soon, if her time permits.

***

Kailangang makakuha si Nancy ng kopya ng Profile, ang magazine ng Forever Flawless. Si Judy Ann ang cover girl ng Profile at halos kumpleto ang mga impormasyon tungkol sa kanya ng mga artikulo na isinulat ni Jeff Fernando.

May interview rin si Jeff kay Carol Santos, ang nanay ni Judy Ann.

Nakalagay rin sa Profile ang mga bagong pictorial ni Judy Ann para sa Forever Flawless.

***

Pagkatapos i-revive ang Gulong ng Palad at Bituing Walang Ningning, ang soap opera na nagpasikat kay Janice de Belen ang balak ibalik sa telebisyon ng ABS-CBN.

Naghahanap ang star network ng young actress na gaganap bilang Flordeluna, ang karakter na ginampanan ni Janice noong dekada �70. Isang hit soap opera ang Flordeluna na nagpainit sa career noon nina Herbert Bautista, Laurice Guillen at ng yumaong aktor na si Dindo Fernando.

Ayon sa insider ng ABS-CBN, hit sa mga kababayan natin sa Amerika ang mga remake ng mga nabanggit na TV show kaya ibabalik nila ang Flordeluna.

***

Commments are welcome at jojogabinete@ yahoo.com.

Source: Abante