|
|
| Nag-iisang David laban sa maraming GoliathAuthor: Ernie Enrile PAGKATAPOS naming mapanood ang technical preview ng Anak ng Kumander nu'ng isang gabi sa Sampaguita Studios, masasabi ngang nag-iisang David sa maraming Goliath ang said filmfest entry ni Manny Pacquiao under his own MP Promotions, Inc. , sa darating na 2007 Metro Manila Film Festival, na magsisimula na next week. Unang proyekto pa lang kasi ito ng isang independent production na sasagupa sa mga higanteng tulad ng Regal Films (Bahay Kubo, Shake, Rattle & Roll 9 at Desperadas), OctoArts at M-Zet Films (Enteng Kabisote 4), Star Cinema (Sakal, Sakali, Saklolo) at Imus Productions (Resiklo). Pero in fairness, komo't award-winning director ang nasa likod nito, si Direk Jose "Kaka" Balagtas, may festival quality ang ANK at hindi imposibleng makuha ang Gatpuno Antonio Villegas Award ng MMFF '07. Bukod sa halos P50M na production cost, puwera pa ang promo at publicity, ang ipinagmamalaki ng first venture ng MP at ni Direk Kaka ay ang hatid na mensahe ng pelikula. 'Yung dangal ng isang tao na dapat ingatan at hindi matitinag ng kinang ng salapi. Anyway, bukod kay Manny, tampok din sa ANK sina Ara Mina, Roi Vinzon, Efren Reyes, Valerie Concepcion, Danny Labra, Lara Morena at napakarami pang iba. Showing ito sa January 1, 2008. Bukod sa nagsilbing host si Francis Magalona, recipient din siya ng ilang awards, like Most Outstanding Probee of the Year, kasama sa tatlong On-the-Spot Photographer of the Year matapos makuha ang first place sa ginanap na OTS sa Vietnam nu'ng August — ang isa sa mga naiuwing tropeo ni Kiko ay galing sa kategoryang 2007: 100 percent OTS Qualifier Awards. Sa isang tulad niyang "probee," maipagmamalaki rin ni Kiko ang lima niyang gold medals mula sa iba't ibang categories. Yes, bukod sa pagiging super busy — main artist siya ng Coca Cola Christmas Caravan on weekends, na isinisingit niya sa regular Eat Bulaga stint, kabi-kabilang corporate shows at regular gigs sa Zirkoh at Klownz, plus personal na pag-aasikaso sa clothing business — kinarir na rin ni Kiko ang pagiging lensman. Ang pinaka-highlight ng gabing 'yun ang pagbibigay parangal sa dating taga-pelikula na si Rey Ortiz bilang Master Photographer. Naiulat na namin dito sa Mismo ang mga natamong karangalan ni Francis M. mula nang maging probee siya last June, hanggang maging regular agad na kasapi ng CCP nu'ng August. Sa sandaling panahon bilang CCP member, may napatunayan agad si Kiko bilang photographer. Hindi nga imposibleng mapagtagumpayan din niya ang pagiging lensman. By then, tiyak na mananatili sa isipan ng marami niyang tagasubaybay na ang hinahangaan nilang "Master Rapper" ay magiging isa na ring "Master Photographer. " Cute ang sagot ng dalawang bida ng SSS, na ang buod ay ang kani-kanilang hilig ang 'di nila papayagang pakialaman. Tulad ng hilig ni Juday sa pagluluto, na tiyak ay hahayaan lang ni Ryan, lalo na kung para sa kanya ang nilulutong putahe ng kanyang "misis. " Magiging favorable pa nga raw halimbawang mas gugulin ni Juday ang oras sa kusina kesa sa loob ng bedroom nila. After all, nagbago na ang gustong dami ni Juday ng magiging anak nila ni Ryan. Hindi na raw apat, kundi dalawa na lang. Eh, mayroon na silang panganay, si Yohan, kaya isa na lang ang gagawin nila. Meanwhile, noon pa ma'y alam na ni Juday ang sobrang hilig ni Ryan sa motor. "Huwag ko lang siya makitang babae ang sinasakyan!" natatawang pahayag ng aktres. Source: People's Tonight |