|
|
| Nag-iisang Reyna ng Teleserye![]() Column: Sanga-sangandila Sa pamamagitan ng Sineserye Presents The Susan Roces Cinema Collection: Maligno muli na namang pinatunayan ni Claudine Barretto na siya lang ang reyna ng teleserye. Gabi-gabing nanggugulat ang Maligno sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Hindi binigo ni Claudine ang kanyang mga tagahanga sa kanyang natatanging pagganap bilang Angela, ang babaing napili upang isilang si Angelo (Carlo Lacana), ang batang demonyo. Itinatampok din sa horror seryeng ito ang pagganap ng pinakamainit na teen loveteam ngayon nina Kim Chiu at Gerald Anderson! Kakaibang Kim at Gerald ang inyong makikita dahil seryosong papel ang kanilang ginagampanan. Abangan ang iba pang kapana-panabik na mga eksena sa Maligno, ang ikalawang presentasyon ng Sineserye Presents The Susan Roces Cinema Collection sa ABS-CBN. * * * I'm sure tuwang-tuwa ang mga taga-Herbs and Nature Corporation, nasa likod ng mga health brands na My Marvel Taheebo, Fitrum, 4G at Liveraide kay Robin Padilla na bagaman at nagsimula bilang artista sa pagiging isang bad boy, isa na itong hinahangaan at respetadong aktor ngayon. "Bilang aktor, hinding-hindi ako patatalo sa mga banyagang artista. Itataas at itataas ko ang bandilang Pilipino," matiim niyang sabi at ito ay pinatutunayan niya sa pamamagitan ng pag-aasikaso at pagtulong sa post-production 'di lamang ng kanyang mga pelikula kundi maging sa kanyang mga serye sa TV lalo na ang kasalukuyang tumatakbong Joaquin Bordado ng GMA 7. Sa kabila ng kanyang pagiging isang chickboy noong kanyang kabataan, isang dakilang asawa at butihing ama ng kanyang mga anak si Binoe ngayon. "Tapos na ang panahon nang pag-i-enjoy. Ang panahon ko ay dapat sa aking pamilya na lamang. Dapat maging isang maganda akong impluwensiya sa aking mga anak," aniya. Isa ring relihiyosong tao si Binoe, bilang Muslim, matulungin siya sa mga adhikain para sa kanyang mga kababayan at kapatid sa trabaho at relihiyon. Dahil dito, effective siyang endorser ng Liveraide isang food supplement na nangangalaga sa ating liver lalo't inamin niyang hindi siya nagsisigarilyo at hindi na rin umiinom ng alak simula pa noong 1999. * * * Talagang very excited and very happy ang Korean counterpart ng My Girl sa takbo ng mga preparasyon nito dito sa Manila. Inaabangan na ng lahat ang malapit na pag-pilot nito ngayong Mayo sa ABS-CBN. Nai-broadcast na ang first taping week ng Pinoy version ng My Girl sa Korea na talagang ikinatuwa nila! Maging ang paggawa ng original soundtrack ng My Girl, na under ASAP Music, ay ongoing na rin kaya super excited ang lahat! Dahil hinihingi ng kwento, panay ang pagpa-practice at paghahasa ni Kim Chiu sa pagsasalita ng Mandarin para sa kanyang role. Medyo nahirapan siya noong unang taping ngunit sa tulong ng kanyang language coach ay naituwid niya ito agad. Puspusan din ang mga taping sa iba't ibang naggagandahan at very scenic locations ang serye tulad ng sa Tagaytay, Batanggas at Marikina. Sa halip na strawberry fields ang makikita, kaabang-abang kung anong plantasyon ang mapapanood sa Pinoy My Girl! Kasama sina Enchong Dee, Alex Gonzaga, Regine Angeles, Niña Jose at David Chua. * * * Napaiyak naman ako sa napanood kong in terview ni Boy Abunda kay Jericho Rosales nung Linggo. Obvious na love pa rin ni Echo si Heart Evangelista. I'm sure masakit yung pangyayaring maghihiwalay din pala sila matapos siyang ipakipaglaban ng dating nobya sa mga magulang nito. Kapuri-puri para sa akin yung pag-iwas niyang pag-usapan ang magulang ni Heart, lalo na yung pagsasabi niyang naiintindihan niya kung bakit ayaw nila sa kanya. I just hope napanood iyon ni Heart at baka makatulong sa kanyang pinal na pagdedesisyon, matapos silang mag-usap ni Echo, pagbabalik niya mula Dubai. * * * Source: The Philippine Star |