|
|
| Nagkatulungan, nagkagamitan Regine at ABS-CBN![]() Author: Pilipino Star Ngayon SEEN: Dumalo si Gretchen Barretto sa birthday party ni Rudy Fernandez noong Lunes. Wala na naman sa party ang kanyang dating kaibigan na si Nadia Montenegro na hindi na yata invited sa mga showbiz function dahil siya ang inaakusahan na naglalabas ng mga kuwento sa mga ginaganap na okasyon. SCENE: Nalimutan na ng mga tao na may anak si Valerie Concepcion ngunit ito pa ang nagpaalaala sa publiko tungkol sa kanyang pagiging dalagang ina nang ipakita niya sa TV ang kanyang anak. SEEN: Maraming beses nang nabigyan ng malaking break sa TV at pelikula si Rafael Rosell ngunit mailap sa kanya ang suwerte. Underwear model at hindi aktor ang nananatiling trato sa kanya ng mga tao. SCENE: Si Bianca King ang magiging kontrabida ni Marian Rivera sa Dyesebel. Bagay kay Bianca ang role dahil makakatulong ang kanyang mestiza features upang maging effective contravida siya. SEEN: Malakas ang bentahan ng tickets ng Golden Divas. Ang Golden Divas ang concert nina Pilita Corrales, Carmen Patena at Carmen Soriano sa Music Museum sa March 7 at March 8. Mga senior citizen ang mga bumibili ng tickets ng Golden Divas. SCENE: Acting workshop ang dapat pagkaabalahan ni Cristine Reyes. Hindi ang pagsagot sa mga tsismis tungkol sa mga lalake na nali-link sa kanya. Walang potensyal si Cristine na maging mahusay. SEEN: Maingay ang mga publisidad sa search ng ABS-CBN para sa aktres na gaganap na Betty La Fea. Hindi ito magiging maingay kung hindi nagpahayag si Regine Velasquez ng kagustuhan na ibigay sa kanya ng ABS-CBN ang papel ni Betty. Nagkatulungan, nagkagamitan part 2. Source: The Philippine Star |