Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Nailang

Author: Nitz Miralles

Sa presscon ng Paano Ba Ang Mangarap?, ang balik-tambalan nina Mark Herras at Jennylyn Mercado, malalaman kung ano ang puwedeng i-expect ng fans sa bago nilang series na magpa-pilot sa February 16.

Ang tiniyak ng actor, may asim pa ang loveteam nila ng actress.

More mature role rito si Mark at napuna ni Chynna Ortaleza na tahimik siya sa set at nagbabasa lagi ng script.

Hindi raw dahil sa takot siya kay Direk Joel Lamangan, kundi gusto niyang maayos ang trabaho niya't sayang ang opportunity na ibinigay sa kanya ng GMA-7.

Siyanga pala, nilinaw ni Mark na hindi sila nag-isnaban, kundi nagkailangan nang magkita ng ex niyang si Rhian Ramos sa isang okasyon dahil sa pagdi-deny nito sa kanilang relasyon.

Pero, tiyak siyang mawawala rin ang nararamdaman niya rito. Ang hindi nito nasagot ay kung bakit nadi-deny siya ng mga ex niya, gaya nina Rhian at Ryza Cenon?

"Hayaan n'yo sila kung ayaw nilang umamin. Sila ang motivation ko sa pagpapalaki ng katawan. Hintayin nilang lumaki ang katawan ko," biro ni Mark.

* * *

Hindi masyadong mainit ang interview ni Mo Twister kay Lovi Poe sa Gimme Mo segment ng Showbiz Central dahil extra careful ang dalaga sa kanyang mga sagot.

Isa pa naman ang segment na ito sa gusto ng viewers, pero kulang sa init at controversy.

Maayos namang naipaliwanag ni Alfred Vargas sa Intriga Crossfire na hindi niya pinagsabay syotain sina Janna Roxas at ang GF niya ngayong half-Italian at half-Pinay.

Inamin nitong si LJ Reyes ang nakipag-break sa kanya.

Sa isyung political, tiniyak ni Alfred na hindi iiwan ang showbiz kahit pumasok siya sa pulitika.

Ang gusto lang niya'y makatulong at makapag-serbisyo sa distrito niya sa Quezon City.

Masayang ibinalita ni Jewel Mische na may new project siya at nilinaw ang kinasangkutang bouncing check issue at settled na ito.

Nakakaintriga lang na after her interview, isinunod agad ang Don't Lie To Me segment nina KC Concepcion at Richard Gutierrez, na nagpo-promote ng When I Met U na showing na bukas.

Nabuking na may ibang suitor si KC aside from Richard. Siya kaya ang tinukoy minsan ni Sharon Cuneta na gusto niya para sa anak at malulungkot siya 'pag hindi naging sila ni KC?

Pero sinabi ito ng Megastar noong wala pa si Richard sa buhay ng anak.

Kinilig ang fans sa inamin nina KC at Richard na sila ang magka-date noong Valentine's Day last year at malamang na maulit this year kahit may ibang suitors ang dalaga.

* * *

By this time, nakabalik na ng bansa sina Marian Rivera at Dingdong Dantes after mag-guest sa concert nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid sa Guam at magre-resume taping sila ng Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang.

Magkaiba ang reaction ng viewers sa roles na pino-portray nina Marian at Dingdong sa soap, may naseseksihan kay Dingdong as Homer lalo na 'pag tumutugtog ng saxophone.

May gustung-gusto ang kakaibang character ni Marian bilang si Proserfina, may nagugulat at mayroong hindi sanay makita siyang palaban.

Ang payo sa kanila ng staff, patuloy lang tumutok para malaman kung bakit ganu'n ang mga kilos at salita ni Proserfina.

Sa day two ng Ang Babaing..., muntik mabangga si Homer sa kaiisip kay Proserfina at gusto niyang malaman kung sino talaga ito.

Madaratnan ni Heleen (Angelu de Leon) si Proserfina sa bahay ni Homer at magtataka kung ano ang ginagawa nito sa bahay ng fiancé niya.

Source: People's Tonight