Mar 21
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Nakabuntis kay Alicia, 'di nagpapa-annul

Author: Nitz Miralles

ISA sa napansin namin sa mga interview kay Gabby Concepcion, diretso pa rin kung mag-Tagalog at kung mag-English man, walang accent.

To think na 13 years na siya sa Amerika, pero ayun, alam pa rin ang salitang "kaganapan" at ibang malalalim na Tagalog.

Hindi maiwasang ikumpara siya sa ibang Pinoy na tumuntong lang ng USA, baliko na mag-Tagalog at may fake accent pa.

Sa presscon na ibinigay ng ABS-CBN, inulit ni Gabby ang paghingi ng tawad sa mga taong nasaktan niya at kasama rito ang press people.

Nakita namin kung paano nito niyakap ang mga kakilalang reporter habang nakapikit ang mga mata. Narinig din naming nag-dialogue ito ng "sorry sa time noon na ayaw kong magpa-interview sa inyo. "

"I'd like to renew relationships. Kung sinuman ang nasaktan ko noon, sorry. Ayoko nang may kaaway. I hope I can rekindle relationship with you and I hope I'd start with one best foot forward," pahayag nito.

Marami sa mga bagets ang hindi na kilala si Gabby at ang alam lang nila'y tatay siya ni KC Concepcion. Pero sa rami ng gagawin niyang projects sa ABS-CBN at Star Cinema at sa dalas na paggi-guest niya sa shows ng network, mai-introduce siya sa young viewers.

* * *

MAGPA-PILOT this Sunday ang Tasya Fantasya at ibig sabihin, dalawang beses mapapanood sa GMA-7 si Yasmien Kurdi, dahil nasa SOP din siya.

Six days a week din siyang mapapanood, dahil Monday to Friday ang Babangon Ako't Dudurugin Kita. Saturday na lang siya libre, pero minsan, guest din siya sa Startalk.

With two regular shows, ayaw pa ring tanggapin ni Yasmien na siya ang "Drama Princess" ng network at nagkataon lang daw na bagay sa kanya ang role ni Tasya at ni Salve sa BADK.

Sinusuklian daw niya ng sipag ang pagtitiwala ng kanyang home studio.

Tatakbo ng 13 weeks ang Tasya Fantasya at every week, iba't ibang sitwasyon ang pupuntahan ni Tasya gamit ang magic salamin. Iba-iba rin ang guest na makakasama ng cast.

Guest si Isabel Oli sa pilot episode, pero secret ang kanyang role.

Gaganap na nanay-nanayan ni Tasya sa mortal world si Alicia Mayer na buntis sa totoong buhay, kaya makakapagpraktis siyang maging mommy kay Yasmien.

After manganak daw sila pakakasal ng fiancé niyang ayaw pangalanan (kahit nasa news lagi), dahil ayaw niyang magsuot ng wedding gown na malaki ang tiyan at hindi dahil nagpapa-annul ito ng kasal.

"He's very much single at wala siyang annulment na inaayos. Wala akong alam na may pinakasalan siya," wika ni Alicia.

* * *

KUNG 'di pa namin na-interview, hindi namin malalamang bidang babae si Maui Taylor sa digital movie ng Viva Films na Torotot sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes at Teach Me to Love ni Eddie Romero.

Mauunang ipalabas ang Torotot, na sabi ni Maui, super daring and sexy ang mga eksena niya kina Yul Servo, Andrew Schimmer at Baron Geisler.

Sa Teach Me to Love, may love scene sila ni Nathan Lopez (Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros) at hinawakan nito ang boobs niya.

Tawa nang tawa si Maui sa nabalitaang nilagnat ang 15-year-old actor after kunan ang eksena.

Samantala, ayaw pag-usapan ni Maui ang shoot ng Girls Gone Wild dahil sa bad experience niya sa nakaparehang actor.

Maghapon daw itong nag-shooting and no time mag-shower. Dahil huling kinunan ang episode niya, siya ang nabuntunan ng hindi kanais-nais na amoy ng ka-partner.

"Nagpunas ako nang nagpunas after the shoot. Hindi ko siya kilala, model yata. Pumayag na rin ako't andu'n na rin at para matapos na," sabi nito.

* * *

ANG kawalan ng kasilyas ng karamihan sa mga Pinoy ang tatalakayin sa I-Witness bukas, sa episode na No Kubeta at sa report ni Sandra Aguinaldo.

Sa latest sanitation survey ng Department of Health, lumalabas na hindi lang sa probinsya talamak ang problemang ito, pati na sa Metro Manila at karatig na mga bayan.

Hatid ni Sandra ang documentary sa isa sa malaking problema ng ating gobyerno. Mapapanood ito sa GMA-7 after Saksi.

Source: People's Tonight