Apr 25
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Nakakaiyak ang kuwento ni Jerome Sala...

Nakakaiyak ang kuwento ni Jerome Sala...

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

SA Champions League of 5 ng Search For The Star In a Million ng ABS-CBN, marami ang may boto kay Jerome Sala na manalo, ang binata mula sa Bohol. Boto sila na manalo si Jerome, because alam nilang maganda ang boses nito, bukod pa sa madrama ang buhay niya.

Sa presscon kahapon para sa Champions League of 5, napaiyak ang isang female broadsheet writer sa kuwento ni Jerome. Ikinuwento kasi ni Jerome na nu�ng tumungtong siya sa Maynila para sa contest na ito, dalawang pantalon at damit lang ang bitbit-bitbit niya.

Ang mga ginamit niyang damit sa mga lakad nila ay pinahiram lang daw sa kanya ng mga kasamahan niya sa contest.

Ikinuwento rin ni Jerome na bata pa lang siya ay nagpursige na siyang kumanta. Halos lahat ng singing contest sa Bohol ay nasalihan niya.

Kailangan nga raw niyang sumali sa mga singing contest noong time na �yon, dahil ipinantutustos niya ito sa kanyang pag-aaral. Ang pag-aaral kasi ng nakatatanda niyang kapatid ang priority ng kanyang mga magulang.

Nakatungtong ng 2nd year college si Jerome sa isang university sa Bohol. Criminology ang kurso niya, na inamin niyang hindi naman niya totoong type, pero dahil ito lang ang pinakamura ang tuition sa lahat ng kurso, ito na rin ang nakuha niya.

Para kay Jerome, isang panaginip ang nangyayari sa kanya ngayon.

"Parang ayoko na nga pong magising," sabi niya.

Hindi nga akalain ni Jerome na mula sa pagiging isang simple at mahirap na tao sa kanilang prubinsiya, heto na siya ngayon at pinagkakaguluhan na ng mga babae, dahil sa ganda ng kanyang boses.

Katunayan, si Jerome ang nangunguna sa text votes sa kanilang lima. Umaabot na sa 23,000 ang boto sa text na nakukuha ni Jerome.

"`Yung napapanalunan ko po everyweek, ipinadadala ko sa family ko `yung P8,000 at `yung P2,000 lang ang ginagastos ko. Pinambibili ko po ng mga damit, para may magamit naman ako, para hindi naman kahiya-hiya."

Kung hindi man siya magwawagi�sa contest, hiling na lang ni Jerome na may kumuha�sa kanya�para mabigyan�ng break sa pagkanta.

"`Yun po ang araw-araw kong pinagdarasal, na sana may magtiwala sa akin para mabigyan ako ng chance na maiparinig pa ang boses ko," sabi na lang ni Jerome.

Source: Abante