|
|
| Nakakaloka ang mga pautot sa Erap-Ai Ai movie! PARUSA O PAALALA LANG NG DIYOS?Author: Alfie Lorenzo MARAMI na nga sa atin ang nakakalimot na sa dakilang lumikha sa atin, dahil sa matinding paalala ng Diyos sa atin nitong nakaraang mga bagyo. During my youth while I was still in UST, I remember the tale about God's creation. It said God made the mountains to separate the water from the land. Pero, ano ang ginawa ng kapuwa natin? Tinibag ang mga bundok, naghukay ng ginto, tinayuan ng mga bahay, itinumba ang mga halamang ang mga ugat ay siyang sumisipsip sa tubig sa bundok sa halip na dumaluyong sa kapatagan. Kinalbo nila ang mga bundok. Pinapasok ang tubig baha sa katihan. Nalunos ako nu'ng makita sa video ang pagguho ng lupa mula sa kinalbong bundok at naglalaglagan na parang mga laruan lang ang mga bahay na ang daming mga tao ang natabunan at nalibing ng buhay! And who are we to blame? Ang kalaban ay umaatake pag hindi tayo handa. Hayun nga ang biglaang pagbaha without our knowledge na in six hours baha na ang buong Maynila hanggang leeg. Ngayong inaabangan na ang pagdating ng bagyong lupet, 'di naman ito makapasok dahil handang-handa na ang mga taong gusto niyang lunurin at tabunan ng buhay! Pasok na rin ang komersyo dahil naglabasan na ang mga rubber boats na depende sa laki na puwedeng sakyan ng mga binaha mula 4-16 katao. Nandyan din ang mga life jackets para sa mga bata at matanda. At 'yung sinasabi kong interior ng goma na lifebuoy pala ang tawag - nasa mga tindahan na. Kaya bili na. Kung walang pambili, magpabili sa mga tumanggap ng donasyong milyones! Naghahanda na nga tayo sa pagdating ng Pasko, eh Undas nga muna ang haharapin lalo na ng mga pamilyang may nabiktima ng baha. Ang dapat nating huwag kalimutan ay ang pagtawag sa Diyos at kahit siguro mag-krus man lang bago lumabas ng bahay would signify na 'di ka nakakalimot sa dakilang lumikha sa atin! This early ay pinu-promote na ang movie nina Erap at Ai Ai. At nakakaloka ang mga pautot na naman kung anong masasabi ng bawa't isa sa co-stars nila. Natural na to high heavens ang papuri sa kapareha o kasama sa pelikula. Alangan namang siraan ang ka-partner, noh! Kesyo mabait, magaan katrabaho, laging on time sa set. Ang inaabangan kong sasabihin eh 'yung sisiraan ang ka-partner - tulad ng: “Ang baho ng hininga niyan kaya close ang lips ko sa kissing scene namin! Ang lakas ng putok niya lalo na pag pinawisan sa set, kasi 'di naliligo bago pumunta sa shooting! Hay naku - palautot 'yan sa set at ang baho pa naman! Ang takaw niyan at malakas kumain - hindi pa marunong mamigay o mag-alok man lang kahit pabalat-bunga lang! Bastos 'yan at palautang pa - 'di naman marunong magbayad!' Debah, mas enjoy panoorin pag ganoong intriga? Ngayong gabi raw ang first eviction ng nominated na palalayasin sa bahay ni kuya sa PBB. Sino raw sa apat na nominado ang dapat maunang lalayas? Kung ako lang ang masusunod ay lahat ng apat ay sabay-sabay na palayasin! Unang-una na 'yung selosong si Jimson na 'pag napalayas daw ay isasama na rin niya ang misis niya. Aba, dapat lang noh! Sana si Jason din na pasiga-siga sa loob ng bahay ni Kuya at tila hindi makapag-jell sa mga kasama sa bahay. I don't see any future with this guy kahit na ilabtim pa siya sa pangit at OA na si Melai. 'Yung dalawang babae eh hindi mag-register sa akin. Parang wala lang sila. And they won't be missed oras na mapalayas na sila sa bahay ni Kuya! Kaya bilisan at ibalik 'yung ibang nakalabas na, especially 'yung dalawang set of twins. Nag-iba naman ng strategy na 'di pinag-isipan ang mga teleserye ng Dos. Maya't-maya ay pina-plug ang mga ito, showing scenes na may kabuntot na “Abangan...susunod na”. Inaalis nila ang suspense sa maaring mangyari sa susunod na kabanata. Pagkatapos naman 'yung pinakitang eksena ay nararambol, nauulit at nae-edit. Nu'ng Wednesday night binaril na 'yung Ernesto, tumba, patay! Sa sumunod na eksena, sinabi nina Chinggoy Alonso at Chin Chin Gutierrez na wala na ang testigo at patay na! Huwebes ng gabi, muling binaril si Ernesto, nakakubli at nakapagtago! Hindi pala tinamaan ng bala, naisakay ni Lorna Tolentino sa sasakyan at naitakas sa mga humabol na nakamotorsiklo na tumatakbong iwinawagayway pa ng buong kayabangan ng namamaril ang hawak na baril. Ni walang tao o pulis na nakarinig sa sunud-sunod na putok, huh! Hayun tuloy at nakapagtapat pa kay Lorna si Ernesto! So, papaano mo pang aabangan ang kasunod na kabanata kung nakita mo na ito previously? Is this the new modern way of saying a rehashed old story and title? Source: Abante |