Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Naked Fan Dance sa PBB

Author: Abante

SINA Jimson, Carol, Jason, at Princess ang mga nomi­nated housemates na maaaring mapatalsik sa Pinoy Big Brother Double Up sa unang eviction night sa Sabado.

Iba-iba ang naging reaksyon ng mga nominado pagkatapos ng nomination night. Kung si Carol ay nag-iiyak kay Big Brother, si Jim ay ipinaalala sa asawa ang kanilang usapan na kung isa sa kanila ay mapapalabas ng bahay ni kuya, ay magvo-voluntary exit na ang kabiyak. Maluwag namang tinanggap nina Jason at Princess ang pagiging nominado nila.

Sa kanilang susunod na weekly task ay isang house lang ang pwedeng manalo at pwedeng makatanggap ng weekly budget at ito ay kung sino ang may mas magandang performance ng nakakabaliw na “Naked Fan Dance” na hit na hit ngayon sa Youtube.

Abangan ang mas umiinit na kumpetisyon sa da­lawang bahay sa “Uber” kasama si Mariel Rodriguez, sa “PBB Double Up” sa Primetime Bida kasama si Toni Gonzaga, at live streaming with Bianca Gonzalez sa “PBB Double UPlate.”

Puwede na kayong bumoto sa paboritong housemates upang maisalba sa kauna-unahang eviction. Para bumoto, i-text lang ang BB space NAME OF HOUSEMATE at isend sa 2331 para sa Globe, TM, Suncellular at Ba­yanwireless subscribers, o 231 para sa Smart and Talk n Text Subscribers.

Source: Abante