Dec 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Nasaan na nga ba si Serena Dalrymple?

Sino ang makapagsasabi, baka si KC Concep­cion pa ang maging dahilan para muling mamayani ang ABS-CBN sa larangan ng telebisyon.Pinagkalooban siya ng network ng sarili niyang drama anthology, ang I Am KC na magsisimulang mapanood sa Marso 29. At hu...

 

Nasaan na nga ba si Serena Dalrymple?

Column: Sanga-sangandila
Author: Veronica R. Samio

Sino ang makapagsasabi, baka si KC Concep­cion pa ang maging dahilan para muling mamayani ang ABS-CBN sa larangan ng telebisyon.

Pinagkalooban siya ng network ng sarili niyang drama anthology, ang I Am KC na magsisimulang mapanood sa Marso 29. At huwag nong hamakin, malalakas ang suporta niya na binubuo nina AiAi delas Alas at Albert Martinez sa isang episode tungkol sa babaeng palengkera.

Si KC rin ang dahilan para muling makita ang pagbabalik ni  Mr. M (Johnny Manahan, ang namumuno ng Star Magic) sa pagiging direktor, isang episode ng I Am KC ang ididirek niya.

Obviously, the daughter of the Megastar is slowly getting nearer the throne na matagal na hinawakan ng kanyang ina, hindi lamang sa TV kundi maging sa pelikula rin. Susunod na rin dito ang pelikula, huwag kayong mainip.

* * *

Pagkatapos ng matagal na paghihintay, nagbabalik si Claudine Barretto para sa isang nakatitindig-balahibong pagganap ngayong Abril sa bagong proyektong siguradong makakadagdag sa kanyang tagumpay bilang aktres: Ang TV adaptation ng isang Susan Roces classic, ang horror film na Maligno.

Pagkatapos ng matagumpay na teleseryeng Walang Kapalit, pansamantalang nagpahinga ang magaling na aktres para makasama at alagaan ang kanyang anak na si Rodrigo. Pero ngayon, naka­handa na siyang bumalik sa pag-arte sa telebisyon, sa TV remake ng Maligno, ang ikalawang paghahan­dog ng Sineserye Presents: The Susan Roces Cine Collection.

Sari-saring papel na rin ang nagampanan ni Claudine sa kanyang mga teleserye. Ang Maligno na ma­rahil ang pinaka-nakakatakot na palabas niya sa telebisyon .

"Excited talaga ko para sa show na ito. This is my first horror series on television. At mahirap talaga ang horror, yung kakaibang emosyon ng takot, napa­kahirap ipakita at ipadama ng ganun sa telebisyon. Kaya challenging talaga yung role na ito for me," ani Claudine.

Ang Maligno ay tungkol sa isang babaeng nakatakdang magsilang sa isang demonyo.  Ayaw man niyang maniwala sa umpisa, unti-unting nagaganap ang mga nakasaad sa prediksyon.  Hahayaan ba niyang tuluyang maging diyablo ang kanyang anak, o manaig ang makapangyarihang pagmamahal ng isang ina?

Sa teleseryeng ito, gagampanan ni Claudine ang papel na ginampanan ni Ms. Susan Roces sa pelikula - si Angela, ang  karakter na ito ang nagbigay sa Reyna ng Pelikulang Pilipino ng FAMAS best actress trophy noong dekada '70.

Makakasama ni Claudine sa proyektong ito ang ilan sa mga tinitingalang artista sa industriya tulad nina Diether Ocampo, Rafael Rosell, Kim Chiu, Gerald Anderson, DJ Durano, Arlene Tolibas, Empoy at ipinakikilala si Carlo Lacana sa direksiyon ni Wenn Deramas.

* * *

Binubuksan muli ng Cinema One ang kanilang pintuan upang magbigay-daan para sa lahat ng Pinoy filmmakers na maipakita ang kanilang mga likha sa pamamagitan ng Cinema One Originals na ginaganap bawat taon. Layunin ng proyektong ito na hamunin ang mga Pilipinong filmmakers na gumawa ng orihinal na full-length films na bebenta nang hindi nasasakripisyo ang lalim at pagiging makabuluhan nito.

Ang mapipiling mga film scripts ay bibigyan ng Cinema One ng budget na P1,000,000 para sa filming expenses at ipapalabas ito sa buong Pili­pinas, maging sa ibang bansa din.

Upang mabigyan ng mas malaking tsansa ang lahat ng lalahok, mula sa limang (5) napiling digital movie projects noong nakaraang taon, pipili ngayong taon ng pitong (7) orihinal na narrative feature scripts mula sa mga nagsumite ng kanilang mga entries.

Para sa mga interesadong sumali, maghanda ng full-length feature script, English o Filipino man, maikling resume at picture, mga naunang likha sa VHS, CD o DVD at ang kumpletong application form at ipadala sa Cinema One Originals Secretariat, CPI Programming office, 10/F, ELJ Communications Center Building, ABS-CBN compound, Eugenio Lopez Drive, Quezon City o mag-e-mail sa cinemaone@abs-cbn. com.

Ang mga may kumpletong requirements lamang ang tatanggapin. Ang extended deadline para sa pagsumite ng entries ay sa March 28, 2008 (Biyernes).

* * *

Nang napanood ko nung Black Saturday ang Wansapanataym starring Christopher de Leon, Shaina Magdayao at Angel Aquino saka ko lamang na-realize na nami-miss ko pala si Serena Dalrymple, ang batang Fil Am na isang magaling na child star.

Siya ang gumanap ng guardian angel ni Shaina sa nasabing movie and again, she gave a performance na hindi patatalo sa magagaling niyang co-stars.

I'm sure dalaga na si Serena, and once a good actress, always a good actress.

Hindi na kaya siya babalik dito to resume her career?

Isa siyang malaking kawalan sa industriya, if ever.

* * *

E-mail:  veronicasamio@yahoo. com

Source: The Philippine Star