Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Nasaan na si Bebe Gandangpangit?

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

MAY mga nagte-text sa akin asking kung what- ever happened to Bebe Gandangpangit daw? Bakit daw nanahimik na yata ito into oblivion?

Sayang naman daw ang ingay na nilikha niya. Bakit daw pagkatapos silang magbatian at mag-usap ni Robin Padilla ay pareho na silang nanahimik ni Robin? What's the score daw ba?

Abah, mah at pah! As if naman ako ang manager ng Bebe na 'yan, huh! Pakialam ko kundi na siya mu- ling masilayan!***

Heto ang mas pakikialam ko! Hindi na dapat pagtalunan pa kung gagawing hero o hindi ang Kumareng Cory ko, noh! Freedom hero ang nababagay na title ng Kumareng Cory ko dahil siya ang nagbalik ng freedom sa bansa from the clutchess ng mga nagpasama sa imahe ni President Marcos! Period!***

Higit pa sa parangal, 'yung apat na honor guards sa kabaong ng Kumareng Cory ko sa 10-whee­ler truck na naghatid sa kanya sa Manila Memorial Park at ilang oras na tumindig doon ng tuwid na inulan at inaraw - hindi lang medalya o tropeo ang dapat na ibigay.

Higit pa sa promotions dapat ay may konti man lang cash incentives na kalakip ang parangal. Mas kaila­ngan nila ang panggastos kesa medalya at parangal lang. Let's be practical nowadays kesa kaplastikang pa­­ra-nga

l na madali namang malilimutan ng mga kumakalam ang mga sikmura.

Paging Kris Aquino, kahit ikaw na lang ang mag-abot ng cash incentives sa apat na honor guards na 'yan, ha! Tutal malaki naman ang income mo at sigurado akong kung buhay ang Kumareng Cory ko eh siya mismo ang mag-aabot ng datung sa mga nagsilbi sa kanya, noh!***

Dati panay ang sira sa Internet at emails si Rhian Ramos na kaya raw nabibigyan ng projects sa GMA 7 ay dahil sa pamangkin kasi ni Yda Henares na head ng GMA Artist Center. Pilit na itinatapat si Rhian kay Marian Rivera. Panay ang sira kay Rhian.

Naging daan ang paninirang 'yun kay Rhian Ramos para makarating siya sa kinalalagyan niya nga- yon. Nabigyan pa ng starring role with Richard Gutierrez matapos ang “La Lola” nila ni JC de Vera. Dahil sa paninira hayan at sumikat tuloy.

Lumipat sa Dos si Angel Locsin at nabuksan tuloy ang pinto para kay Marian Rivera na mas mataas ang naging kasikatan kesa nu'ng nasa GMA 7 si Angel.

Hindi naabot ni Angel ang katanyagan na naabot ni Marian in so short a time. First project pa lang ni Marian with Dingdong Dantes, she zoomed to stardom heights already.

Now, si Marian naman daw vs. Carla Abellana. Anoh? Same network paglalabanin?

Angel Locsin tinalbugan daw si Carla Abellana! Anoh? Ikumpara ba ang isang baguhan na starring kaagad sa first pro- ject pa lang?
Kaabang-abang si “Darna” na magsisimula ngayong gabi sa GMA 7. Tulad ng sinabi ko sa interview portion sa amin nu'ng presscon na sa lahat ng nag-Darna mula sa orig na si Rosa del Rosario, nga­yon pa lang may nakapantay si Rose Stagner a.k.a. in beauty & height as against those 'Darna' na kulang sa height at mistulang mga unano na nilagyan ng costumes!

Mga pandakekok na 'di kapanipa- niwalang tatalunin ang mga nagtatangkarang mga kontrabida. Compared to Angel Locsin's “Darna”, mas matas pa rin ng ten points si Marian Rivera. Mapapansin din ninyo 'yan simula ngayong gabi. Kaya abangan, sey ni Jhops Cruz ng GMA 7 Corporate PR.

Source: Abante