Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Networks war 'di hadlang sa magandang relasyon nina Marian, Will Devaughn

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

NANG nakausap namin si Will Devaughn sa launching ng www. jag-jeans. com last Friday sa Mall of Asia entertainment center, nasabi niyang lalo silang nagiging close bilang magkaibigan ni Marian Rivera.

Pareho na silang endorser ng Jag Black jeans at magka-love team pa sila sa ika-lawang pagkakataon sa mo-vie na Desperadas 2 ng Regal Films na entry sa 2008 Metro Manila Film Festival. Magkaiba man sila ng network na kinaaaniban, hindi ito hadlang sa kani-lang closeness.

Si Will ay identified sa ABS-CBN at may bagong soap, ang Humingi Ako Sa Langit ka-trianggulo nina Judy Ann Santos at Derek Ramsay. Kasama rin si Will sa grupong Cover Boys ng ASAP tuwing Sunday sa Dos.

Si Marian ay identified bilang ka-love team ni Dingdong Dantes sa bakuran ng GMA-7 at GMA Films. * * *

NANG tanungin si Will kung sila pa rin ni Riza Santos, friends na lang daw sila. Sa ngayon ay mas ina-atupag ni Will ang kanyang yumayabong na career. Bukod sa pagiging aktor, commercial model, papasukin na rin niya ang recording world.

Kasalukuyang niyang ginagawa ang solo mini-album na binubuo ng limang awitin. Next year na ito ire-release.

* * *

NAGKAROON kami ng pagkakataon na makitang muli ang Mrs. Philippines World 2008 na si Eimee Edralin-Cragun nang dumalo kami sa awards night ng 2008 Gusi International Peace Awards sa Meralco Theater recently.

Naging presentor si Mrs. Cragun sa awardee sa medicine na si Dr. Thomas na mula sa Australia at isang ophthalmology.

Nakita rin naming presentor si dating Miss International (1979) Melanie Marquez para sa awardee for journalism na si Antonio Lopez. Parehong mahilig sa charity works sina Melanie at Eimee. Members din sila ng Church of Jesus Christ of Latter Day Saints.

Si Melanie ay aktibo sa paggawa ng charity works sa kanilang simbahan. While Eimee ay sa bayan niyang Cagayan de Oro City.

* * *

TAKOT na ngayon si Ai Ai delas Alas sa mga lalaki.

Ipinagtapat niya sa presscon ng Tanging Ina Ninyong Lahat ng Star Ci-nema na wala na raw kasi siyang hilig sa sex. Wala pang nagiging boyfriend si Ai Ai mula nang nagpunta siya ng Vatican City last July at na-ngako sa Diyos na iiwas na sa mga lalaki, at magsi-celibate siya.

Balitang isang action star ang huling naging malapit sa puso ni Ai Ai. Si Robin Padilla raw 'yon. 'Di raw maka-limutan ni Ai Ai ang mga ha-lik ni Robin nang magkasama sila sa huling pelikula ng komedyante sa Viva Films. Marami tuloy ang nagtaas ng kilay dahil may kasabihan na 'life begins at 40. ' Si Ai Ai ay 44 years old na. Ito raw ang edad na nagiging sobrang mainit sa sex, lalaki o babae.

* * *

BUKOD sa pagiging team captain ni Chris Tiu sa nagwaging koponan ng Ateneo Blue Eagles noong nakaraang UAAP sa basketball, siya'y consistent deans lister ng Ateneo de Manila University. Cum laude si Chris sa unang kursong tinapos niya sa Ateneo de Manila University. Dahil sa katangiang ito, potential siyang winner sa Kids Nickeledion awards para sa sports. Anyway, as TV host, may dalawang programa siya sa GMA 7, Pinoy Records at Ripley's Believe It or Not na napapanood Saturday and Monday nights respectively.

Source: Taliba