|
|
| New Year wish-resolution ng showbiz celebritiesAuthor: Noel Asiñas MABABAWASAN na ang kabadingan ni IC Mendoza ngayong 2009. Last Saturday ay nakausap namin siya sa TV 5 Caravan sa car park ng Star City kung saan halos lahat ng stars ng TV 5 ay sumipot para batiin ang kanilang fans. Nang nakausap namin siya bandang 7 p. m ay latang-lata na ang katawan ng apo ni Inday Badiday. Pero, tulad ng kanyang lola, the show must go on kahit masama na ang pakiramdam. Enjoy kami sa pakiki-pag-usap kay IC na host ng programang Juicy ng TV 5 na mapapanood tuwing 11:30 a. m hanggang 12 noon. Isang showbiz oriented talk show ito kaya bagay sa kanyang kadaldalan. Ani IC: "Hindi na po ako teenager ngayon. Babawasan ko na ang kabaklaan ko. Mas focus na po ako sa career ko. Pero, andito pa rin ang pagkakikay ko. Ka-ya, lang dahil may di-reksyon na ang buhay ko ay mag-iiba na ang outlook ko. Nag-out ako sa pagiging gay nu'ng teenager ako. Kaya nga-yong 21 na ako ay magiging formal na akong manamit, 'di tulad nu'ng nagsisimula pa lang ako. Happy ako sa takbo ng career ko dahil may regular hosting job ako. Ito ang dream job ko. Pero, open pa rin ako sa soap opera. Sana, mag-offer ulit sa akin ang Siyete. "Sa June 2009, papasok na ako sa UST bilang freshman. Nakapasa na ako sa entrance exams at kukunin ko ay Advertising course. 'Di naman ako magpu-full-time student. Gusto ko lang tularan ang ibang taga-showbiz na nagpapatuloy ng kanilang pag-aaral. I'm sure kaya ko ring gawin iyon," wika ni IC. * * * NARITO ang New YearWish and New Year resolution ng ilang showbiz celebrities. *WISH ni Melanie Marquez sa Bagong Taon: "Nawa'y magpa-tawaran tayo, magmahalan, magbigayan at magtulungan para mag-karoon ng kapayapaan sa daigdig. " *ANG hall of famer ng Awit Awards bilang best child performer na si Mi-guel Aguila ay nagwi-wish ngayong Bagong Taon ng: "To be a better person who is more sensitive to the needs of others. Ang New Year's resolution naman niya: "To be more focus as an artist. " Hindi raw muna siya magbabarkada. Aasikasuhin niyang mabuti ang kanyang singing at acting career. *ANG young actor na si Marco Alcaraz naman na contract star ng GMA-7 Artist Center ay nagwi-wish ngayong New Year ng more projects at good health. Ang New Year's re-solution niya: "To focus more on my career. " *ANG daughter ni Da King Fernando Poe Jr na si Lovi Poe ang New Year's resolution ay: "To spend more time with my family. Sana , mas mag-bonding pa kami ng Mommy ko (Rowena Moran) sa 2009. I want to spend more quality time with my family. " Si Lovi ay napapano-od sa LaLola bilang anak ni Eula Valdez. Balik-tambalan sana nila ang LaLola ni Marky Cielo, pero, pumanaw na si Marky ka-ya pinatay na rin ang cha-racter niya. Wala nang ka-love team si Lovi sa LaLola. *ANG award-winning actor namang si Emilio Garcia ay nagbigay ng New Year's resolution na: "Mas paghuhusayan ko ang trabaho ko at mas magiging mabuting ama sa aking mga anak. " Good attitude sa trabaho ang naging dahilan ng pag-unlad ng career ng dating sexy actor na si Emilio. Pinatunayan niya na kahit mawala ang bold movies ay puwede pa si-yang mamayagpag sa industriya. Paboritong kunin ng Siyete at Dos si Emilio sa kanilang soaps. Kinilala ang acting ni Emilio recently nang mapili si-yang best supporting actor sa pelikulang Selda ng Gawad Urian at Star Awards for Movies. *SI Marian Rivera naman ay nagwi-wish ng good health sa kanyang sarili at sa parents niya ngayong Bagong Taon. Wish din niyang ma-walan na ng aberyang mangyari sa kanyang career ngayong 2009. Unang soap nilang dalawa ni Dingdong Dantes sa 2009 ay Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. *HANGAD naman ni Dennis Trillo ngayong 2009 na mas lalo pang dumami ang projects niya. Mas maging maunlad pa ang kanyang career. Nagpapasalamat din si Dennis sa mga suwer-teng dumating nitong 2008. Nagkaroon siya ng solo soap, ang Gagambino na top-rating adventure ngayon sa GMA primetime. Source: Taliba |