|
|
| Ngayong laos na, Gary makikipag-back-to-back concert na kay MartinColumn: Dream Pumapayag na raw ngayon si Gary Valenciano na makipag-back-to-back kay Martin Nievera na itinuturing na number one competitor niya sa concert Ito ang isang bagay na noong araw siguro ay masasabing mahirap mangyari. Bakit nga ba magsasama sila sa isang concert ganoong kaya naman nilang kumita nang sila lang, o kaya naman kumuha man sila ng support iyong hindi masyadong malaking stars. Sa palagay namin kung si Martin ang tatanungin ngayon, sasabihin din niyang papayag siya sa ganoong arrangement. Dumating na kasi tayo doon sa punto na wala na halos nagpo-produce ng mga concerts. Napakahirap nang mag-produce ngayon ng mga concerts. Bukod sa napakalaki na ng puhunan, hindi ka nakakasiguro kung makakabenta ka ng tickets dahil sa hirap ng buhay ngayon. Sinasabi man nilang bumababa ang halaga ng dolyar, hindi ibig sabihin niya maganda ang ekonomiya, kasi bumababa rin naman ang halaga ng piso. Wala na ngang nabibili ang piso ngayon, kahit na butong pakwan lang. Isa pa, may nagsimula kasi ng ganyang concert. Pinagsasama-sama ang mga singers sa isang show lamang. Hindi maganda iyon. Kikita ang show na sama-sama sila pero pagkatapos ba noon may manonood pa sa kanila kung solo concert na lang ang gagawin nila? Kumbaga sa panindan, nabibili iyan ng tumpok, eh, kaya sino ngayon ang bibili kung hindi ganoon ang bentahan? Hindi naiisip ng mga singers iyong disadvantage niyang ginagawa nilang grupu-grupo para magkaroon lamang ng concert. Hindi nila naiisip na dahil doon ay pinuputol na nila ang kanilang career bilang solo performers. Pero wala na nga silang magagawa, lalo na kung ang mga singer ay medyo laos na, at kailangan na ngang makisama sa grupo dahil kung hindi, wala namang kukuha. * * * Noong isang araw, napag-uusapan ang mga tv talk show hosts. Karamihan ng mga kritikong kaharap namin ay nagsasa-bing sa palagay nila ang pinaka mahuhusay na tv talk show hosts ay sina Ricky Lo at Boy Abunda. Makikita mo raw kasi kay Ricky na ang kanyang show ay hindi kagaya ng ibang talk shows na "prostituted" na ang ibig sabihin outlet lamang ng mga nagpo-promo. Ang show ni Ricky at tumatalakay talaga sa mga lehitimong issues. Si Boy Abunda naman daw, sinasabi nga nilang kahit na may mga alaga ring artista mismo, hindi mo siya kinakitaan na pinangingibabaw ang kanyang mga personal na interests sa kanyang show. * * * Ano kaya ang sasabihin ng isang maganda at sikat na actress kung malalaman niya na ang kanyang boyfriend na male star ay naging call boy pala noong araw at madalas na ka-date ng isang bading na movie writer noon. Ang talent fee daw ng male star sa bawat pakikipag-date niya sa bading na movie writer noon ay P50. 00 lang. Hindi mo masasabing kuwentong kutsero lang ito kasi may picture pa ang movie writer na kasama ang male star noong batam-bata pa ito at hindi pa artista. Makikita mo rin sa kanilang pose na mukhang may relasyon nga sila. Source: Taliba |