|
|
| Ngipin ni Eugene nagdugo sa pakikipaglaplapan kay DingdongAuthor: Gerry Ocampo HINDI naitago ni Eugene Domingo ang kilig nang ikuwento ang kissing scene nila ni Dingdong Dantes sa Kimmy Dora (Kambal sa Kiyeme). Nagdugo nga raw ang ngipin niya dahil sa panggigigil nang halikan niya si Dong. "Eksena kasi na hahalikan ko siya (Dingdong) dahil matagal ko nang love siya ay nanggigigil ako kaya tumama ang ngipin ko sa ngipin niya kaya nagdugo, Hindi naman sinasadya dahil kailangan talaga sa istorya na manggigigil ako sa kanya," kuwento ni Eugene. Pero in between question and answer sa presscon ng movie, na produced nina Piolo Pascual at Erick Raymundo at ire-release ng Star Cinema, ay hindi naitago ni Uge ang pagnanasa sa actor. Sa eksena naliligo si Dong sa swimming pool ay bigla siyang lalantad sa harapan ng aktor na naka-bathing suit at saka magdi-dialogue ng: "Ang seksi ko, di ba?" Nang sumagot si Dingdong na "Oo," ay mistulang tumigil ang mundo kay Uge. Ninamnam daw niya na seryoso si Dong na talagang seksi siya. Natawa tuloy ang mga reporter kay Uge dahil nagpakatotoo lang ang TV host/comedienne. In fairness kay Uge, magaling at talagang nakakatawa siyang umarte. Kaya lang pakialamera raw ang hitad na siyang pinagtalunan nila ng kanilang director na si Joyce Bernal. "Madalas kami magtalo niyan (Eugene) kasi pina-kikialaman ang pagdi-direk ko," ani Direk Joyce, "May gusto siyang gawin na hindi ko naman iniutos na pilit pa rin niyang gagawin. Kaya ayun nagtatalo kami. Ako ang director na dapat masunod pero kung nakikita ko naman na maganda ang suggestion ng aking mga artista ay sinusunod ko naman," "Si Uge, grabe pati script at anggulo ko pinakikialaman kaya hindi maiiwasang magtalo kami. Pero in fairness sa mga nagiging artista ko, gusto ko rin 'yung may nakikipagtalo o nakikialam kaysa tahimik lang ang aking mga artista. Kasi may mapupulot ka ring magandang idea sa mga artista na mahilig mag-suggest," patuloy pa ni Direk Joyce. Going back sa pagre-release ng Kimmy Dora ng Star Cinema, may nagtatanong kung apektado rin ang naturang movie ng problema sa pagitan ng nasabing production outfit at SM Cinemas. As we all know, lahat ng pelikula ng Star Cinema ay hindi na puwedeng ilabas sa lahat ng SM Cinemas dahil may inaayos pang problema ang magkabilang kampo. Ayon kay Erick, nakatakda siyang makipag-meeting sa Star Cinema para malaman kung apektado ba ang pelikula sa problema at kung ano ang puwede nilang ma-ging option. * * * SAMANTALA, hindi naman nakaligtas si Eugene sa intrigang ini-link siya kay Anjo Yllana, co- host niya sa Cool Centerr every Saturday sa GMA-7. Ayon kay Uge, malam-bing lang si Anjo at palabiro kaya huwag nang lagyan ng malisya ang pagsasama nila bilang host ng first live radio talk show on TV. Abangan na lang daw sa Cool Center ngayong gabi ang ipamimigay ni Kris Bernal na paborito niyang dress at dalawang bracelet sa unang caller ng talk show. * * * WALANG takot na pumarada nang naka-trunks ang male castaways at naka- two piece swimsuit naman ang female contestants ng Survivor Philippines Palau kahapon sa GMA-7. Isa-isa silang ipinakikilala ni Paolo Bediones, host ng Survivor Philippines 2, na mapanood sa August 17, pagkatapos ng Adik Sa'Yo. Umagaw ng atensiyon namin si Jef Gaitan, ang 18-anyos na commercial model, na kahit siguro matalo ay may pag-asang maging aktres dahil bukod sa maganda ay may ipagmamalaking kaseksihan. Tulad din ni Sexy Chef na si Mika Batchelor, isang chef at owner ng resto sa Palawan na walang takot rumampa in skimpy two-piece swimsuit, na may potential maging artista in the future. Pagkatapos rumampa ay hindi na nagpakita ang mga ito para ma-interview at maiwasan ang nangyari last Survivor Philippines na agad kumalat sa Internet ang nagwaging first Sole Survivor. Kaya si Paolo na lang ang pinutakti ng tanong ng press. Sa tsikahan namin kay Paolo, hindi nito naitago na mas marami raw pasaway sa castaways ngayon kumpara sa naunang Survivor Philippines. This time ay sinisiguro nilang walang leakage kung sino ang Survivor Philippines Palau winner, Nagkaroon lang ng leakage last year dahil sa kuwentuhan ng kanilang staff kaya ngayon ay may measure na silang ginagawa para hindi na ito maulit muli. Maging siya (Paolo) raw ay hindi alam kung sino ang tatanghaling Sole Survivor at sa final tabulation lang malalaman ni Paolo kung sino talaga ang magwawagi. * * * DARAGSAIN ng sangka-tutak na artista ngayong Linggo ang SOP. Darating ng 16 castaways ng Survivor Philippines 2 kasama ang first Pinoy Survivor. Darating din ang ladies of the 90s na sina Jessa Zaragosa, Rachel Alejandro, Roselle Nava at Geneva Cruz at makikilala na rin ang Celebrity Duets Season 3 contestants, gayundin ang Magic 6 ng Are You The Next Big Star with host Regine Velasquez at Keemppe de Leon. Magbibigay-pugay din sa SOP ngayong Linggo si Pambansang Kamao Manny Pacquiao para i-promote ang bagong sitcom na Show Me The Money kasama ang buong tropa. Source: Taliba |