|
|
| Ngiti pa lang nakaganti na si Karylle kay MarianAuthor: Joferd Nievera MATINDI ring gumanti itong si Karylle dahil sa isang ngiti lang niya ay mas-yadong apektado si Marian Rivera hinggil sa pagbubuntis nito kay Dingdong Dantes. Tumbok na tumbok din ni Kuya Boy Abunda ang isyu dahil nataon sa promo ng kanyang Desperadas 2 para sa MMFF. Kaya tiyak ikinagagalak ito ni Mother Lily Monteverde dahil may kontro-bersyal na pag-usapan sa nasabing pelikula. Knowing Mother, mas gustong may tsismis sa mga artistang bida ng pelikula para ito pag-usapan. Balik tayo kina Karylle at Marian, hindi kaya mas-yado lang guilty itong si Dyesebel dahil kahit simpleng ngiti ng dalaga ni Zsa Zsa Padilla ay masyado niyang dinibdib? Maraming kahulugan ang isang ngiti kaya tama lang ang ginagawa ng ex-GF ni Dingdong. Alangan namang sumimangot, eh, siguro mas pa-ngit ang dating nu'n. Kaya ngiti na lang para mas maganda ang dating, kumbaga pa-beauty effect ba? Basta sa ngiti lang pala ay nakaganti na si Karylle kay Marian. Action is louder than words talaga! Ang mahiwagang ngiti ni Karylle, bow! * * * NAIINGGIT si Jean Garcia sa kanyang anak na si Jennica dahil umabot na sa mahigit isang taon ang relasyon nito kay Mart Escudero. Samantalang ang award-winning actress ay hindi raw nagtatagal ang relasyon nito sa mga lalaki, gaya kay Polo Ravales. Ngayon ay may bagong manliligaw na uli si Jean sa katauhan ni Jojo Manlo-ngat na hindi raw sure kung sasagutin ang controversial businessman. Tila palipat-lipat kasi ng mga aktres na nililigawan ito kaya kung minsan nakapagdududa raw ang motibo nito. Matapos kasi kina Ange-lu de Leon, sumunod na niligawan nito si Sunshine Dizon na hindi yata pumasa sa kanyang panlasa lalo na ang inang si Ms. Dorothy Laforteza. Ngayon ay si Jean naman ang gustong ligawan. Eh, okey naman kaya si Jennica kay Jojo? "Basta para sa akin kung magkaroon ng boyfriend ang mommy ko, 'yung talagang tanggap n'ya na may mga anak ang mommy ko kundi pati kami ay tanggap din niya. Basta, isa lang ang papa ko, si Papa Jigo lang 'yun," makahulugang sagot ng dalaga nina Jean at Doña Josefa Brgy. Chairman Jigo Garcia. Kaya ikaw Jean, dahan-dahan ang pagpili ng mga lalaking ka-partner mo sa buhay kung hindi, lagot ka kay Papa Jigo ni Jennica! * * * BLID ITEM: Matagal nang missing in action ang aktres na ito kaya maraming nagtatanong kung nasaan na siya at biglang naglaho ito sa pa-ningin ng tao sa showbiz. Maganda naman ang kanyang showbiz career bago ito nawala, samantalang ma-rami naman itong naging pa-tok na proyekto sa telebis-yon. Nabalitaan naming ibinahay na pala siya ng isang mayamang politiko at ang politician na lang siguro ang nagbabayad ng kanyang talent fee para umalis na sa showbiz. Ngayon ay buntis na raw ang magandang aktres at kaya hindi na siya nakikita dahil itinatago sa isang malayong lugar sa Kamaynilaan. Malamang muling makita sa mga pagtitipon at telebis-yon ang nasabing aktres kapag nailuwal na niya ang sanggol sa kanyang sinapupunan! Pero jackpot ang aktres dahil talagang buhay-reyna siya sa piling ng politician na may tikas pa at poging-pogi sa mga kababaihan! Source: Taliba |