|
|
| Niña, napasabak sa mainit na lampungan![]() Author: Abante MATINDING kaba raw ang naramdaman ni Niña Jose sa love scenes na ipinagawa sa kanya ni direk Joel Lamangan para sa pelikulang I ? Dreamguyz. First time nga niya, at hindi raw niya alam kung paano ginagawa `yon sa harap ng kamera. “Ninerbiyos talaga ako dahil steamy love scenes `yon with Jay-L Dizon. Pero, I just let myself go with the character and after that, tuluy-tuloy na. Na-feel ko `yung character kong si Jenny. Of course, malaki ang tiwala ko kay direk Joel. Kung ano ang inutos niya, ginawa ko lang. “Sobrang nagpapasalamat ako kay direk Joel, pati na kay direk Manny Valera, dahil tinulungan nila akong maging tunay na aktres. Bukod sa I ? Dreamguyz, willing din si Niña na makipaglampungan kay Dennis Trillo sa Mano Po 6: My Mother, na bida si Sharon Cuneta. Secret lover ni Dennis ang papel ni Niña. At wala ring problema sa kanya kung siya ang maging pantasya ng mga barako. Ang I ? Dreamguyz ay palabas na sa Nov. 4 sa Robinson's Galleria, Robinson's Ermita, Remar, Cinerama Recto, Gotesco Grand Central, Roben at Ultra Vista Cebu. Source: Abante |