Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Nicole ng Pussycat Dolls pinalitan ni Rufa Mae

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

Naka-scoop kami kay Boss Wilson Tieng nang ma-kausap namin sa blessing ng bagong opisina ng MWWF (Movie Writers Welfare Foundation) sa West Avenue, Quezon City kung saan siya at sina Ara Mina at Boots Anson Roa ang nag-cut ng ribbon.

Kuwento ni Boss Wilson, hindi na si Nicole ng Pussycat Dolls ang maka-kasama sa Wapac Man, ang entry ng Solar Films sa Met-ro Manila Film Festival na pinagbibidahan ni Manny Pacquiao bilang isang superhero. Hindi raw kasi magkatugma ang schedule ng Fil-Am girl ng sikat na grupong Pussycat Dolls sa araw ng shooting. Nauna-waan naman kaagad ni Manny, kahit na special request niya na maging leading lady si Nicole sa movie, at si Rufa Mae Quinto ang na-ging kapalit.

"Si Rufa Mae Quinto naman talaga ang first choice namin sa role ni Nicole. Kaya nang hindi umubra ang schedule ng sikat na Fil-Am girl ay wala nang iba pa kaming pinagpilian kundi si Rufa Mae," say ni Boss Wilson.

Nag-first day shooting na sila kamakalawa at sana raw ay walang maging aberya para matapos sa takdang araw para sa screening ng taunang festival.

Alam din ni Boss Wilson na may ginagawang movie si Pacman na Angkan ng Busabos na idi-nidirek ni Carlo Caparas.

Wala raw magiging conflict sa Wapac Man nila ang pelikulang tinatapos nga-yon ng Pambansang Kamao.

Una ay drama-action ang ginagawa ni Pacman na produce ng mega-couple Donna Villa at Carlo J, samantalang ang Wapac Man ay fantasy movie, na pinagsamang action, comedy at drama.

* * *

Sa blessing pa rin ng opisina ng MWWF ay hindi tinantanan ng press si Ara Mina tungkol sa issue ng younger sis na si Cristine Reyes tungkol sa pagiging pasaway pa rin nito hanggang ngayon.

"Hindi ko na pinakikialaman ang lovelife ng aking kapatid. Namimis-interpret kasi ako kapag nakialam. Basta nandito lang ako kapag kailangan niya ng tulong at advice.

"Cristine is sweet, loving at minsan ay may sumpong, pero mapagmahal 'yan na kapatid. Kaya nga kahit ano'ng mangyari nandito ako para sa kanya na handang ipaglaban at ipag-tanggol siya.

"Masaya naman ako sa pagha-handle sa kanyang showbiz career ni Veronique del Rosario. Alam ko na hindi niya pababayaan ang kapatid ko.

"'Yung isyu about her and the actor na nali-link sa kanya, true lang ay hindi ko talaga alam at hindi ako updated sa nangyayari sa kanyang lovelife. Basta ang alam ko ay masaya si Cristine at masaya na rin ako," patuloy pa ni Ara.

Tungkol naman sa pagpasok niya sa pulitika, 90 porsiyento na raw ang pagkandidato niyang konsehala sa 2nd district ng Q. C.

Kakausapin pa raw niya ang kanyang lolo at ama (Mathay) kung saang partido sasanib.

Biniro rin si Ara, habang katabi si Wilson Tieng, na tila may gap silang dalawa dahil hindi natuloy na pagkanta si Ara sa National Anthem ng nakaraang laban ni Manny sa Las Vegas.

'Di ba isa si Ara sa mga pinagpilian na kakanta ng Pambansang Awit sa laban ni Manny, pero hindi natuloy dahil ini-link siya kay Pacman?

Biro nga kay Ara ay baka matuloy na itong kumanta sa laban ni Manny kay Cotto sa Nov. 14.

Agad naman sinagot ito ni Ara ng: "Kakanta na lang ako sa sabungan!"

Teka, 'di ba mahilig ding magsabong si Manny Pacquiao?

* * *

Nagpapasalamat ang bagong officers at members ng MWWF kina Wilson Tieng at Boots Anson-Roa na nagbigay ng financial support para sa foundation.

Salamat din sa GMA-7 na nagpadala ng representative na sina Jhops at Ramir with matching litson at si Ara Mina nagpahayag ng libreng serbisyo kapag nagpa-show ang foundation para makalikom ng pondo.

Magkakaroon din ng induction of new officers and members ng MWWF at sigurado na isa si Vice Mayor Herbert Bautista sa mga iimbitahan ng foundation, gayundin ang mga artista na laging nakasuporta sa showbiz writers, PR ng networks, talent managers, big bosses ng TV network, beauty experts tulad nina Manny Calayan and his wife, Dra. Vicki Belo, Mikaela, Gov. Vilma Santos and family, Sharon Cuneta at family, Senator Jinggoy Estrada na nagpasimuno para magkaroon ng foundation ang entertainment reporters.

* * *

Muling ipinagdiinan ni Sharon Cuneta na wala si-yang balak pasukin ang pulitika.

Tama na raw na ang husband niyang si Sen. Kiko Pangilinan ang nasa politics.

Ang puso ni Shawie ay nasa showbiz industry at nangako ang Megastar kay Fernando Poe Jr. na itutuloy nito ang pagmamahal sa local movie industry.

Hindi rin naitago ni Shawie na dalawang actor daw ang malapit sa puso ni KC Concepcion -- sina Piolo Pascual at isang ayaw niyang banggitin ang pangalan.

Pabor daw siya kahit sino sa dalawang actor ang magustuhan ng kanyang anak dahil responsible at mabait ang mga ito.

Pero huwag na huwag daw sasaktan ang anak dahil ipakukulong niya ang lalaki.

Source: Taliba