Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Nikki, panggulo sa buhay ni Ryan!

Nikki, panggulo sa buhay ni Ryan!

Author: Abante

SI Nikki Gil ang bagong babae sa buhay ni Ryan Agoncillo. Pero, walang dapat na ipagselos sina Billy Crawford at Judy Ann Santos.

Anyway, sa susunod na linggo ay papasok na ang singer-actress sa ABS-CBN series na Pieta ni Ryan.

Ang character ni Nikki bilang si Guia ang babago o gugulo sa lalo pang gumugulong buhay ni Rigor (Ryan).

Gaganap nga si Nikki bilang isang sekretarya na magiging saksi sa krimen na ginawa ni Miguel (John Regala). Ipinaubaya na ni Miguel kay Rigor si Guia, pero tila magaan ang loob ni Rigor sa saksi ng krimen kaya itinago niya ito.

Madadagdagan pa ang paghanga nito sa babae dahil sa pagmamahal nito sa kanyang batang kapatid na bulag (Sharlene San Pedro).

Si Guia na kaya ang susi sa pagkalimot ni Rigor kay Martha (Krista Ranillo)? Hanggang kailan mapoprotektahan ni Rigor si Guia?

Subaybayan ang patuloy na umiinit na mga tagpo sa Pieta.

Source: Abante