Mar 20
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Nikki, tinawag na Jackielou Blanco si Jaclyn Jose

Author: Vinia Vivar

SA trade launch ng ABS-CBN sa NBC Tent last Thursday, ipinakita ang mga bagong show ng Kapamilya Network na bubuksan ngayong Agosto at last quarter ng 2009.

Kabilang sa bagong shows ang Ruby nina Angelica Panganiban, Diether Ocampo at Jake Cuenca, Nagsimula sa Puso nina Maja Salvador, Coco Martin, Nikki Gil at Jason Abalos, Dahil May Isang Ikaw nina Gabby Concepcion, Lorna Tolentino, Jericho Rosales at Kristine Hermosa, Katorse ni Erich Gonzales at Lovers in Paris nina Piolo Pascual, KC Concepcion at Zanjoe Marudo.

Naaliw kami kay Nikki dahil late siya dumating at kasalukuyan nang nasa stage ang cast ng Nagsimula sa Puso.

Ang nakakaloka pa, parang wala siya sa sarili dahil hindi niya alam ang title ng soap nila at binanggit niyang kasama sa cast si Jackielou Blanco kahit hindi naman. Jaclyn Jose pala ang ibig niyang sabihin, kaya kinantiyawan siya ng isa sa hosts na si Marielle Rodriguez.

Matindi pa rin ang karisma ni Gabby, dahil nang lumabas siya sa stage para sa production number ng cast ng Dahil May Isang Ikaw, nakabibingi ang tilian ng audience.

Sa trade launch, ipinakita rin ang Florinda ni Maricel Soriano at sana'y maipalabas na ito dahil mukhang maganda ang nasabing horror-serye na third installment ng Susan Roces Cinema Collection.

Well-applauded din ang remaining scenes na ipinakita sa Tayong Dalawa, na malapit nang magtapos.

Nag-duet sina Piolo at KC ng 'Wag na 'Wag Mong Sasabihin, theme song ng Lovers in Paris, and they really look good together.

Sa September naman ang airing ng kanilang serye.

Opening naman si Cristine Reyes sa kanyang hot and sexy production number. Siya ang bida sa Your Song Presents Cristine Reyes, na papalit sa Gaano Kita Kamahal ni Maricar Reyes.

Among the new shows na ipinakita, pinakaunang ie-ere ay ang Katorse at Dahil May Isang Ikaw sa Aug. 24.

* * *

NAKAUSAP namin si Sam Milby sa trade launch at inamin niyang nagkaroon talaga ng diperensiya ang isa niyang tenga dahil sa tindi ng sampal ni Bea Alonzo sa isang eksena nila sa And I Love You So.

That explains kung bakit sa grand presscon ng movie last week, parang hindi marinig ni Sam ang mga tanong sa kanya ng press.

Nagpa-checkup ang aktor at doon niya nalaman na nagkaroon daw ng butas ang kanyang eardrum.

"Nagti-take ako ng antibiotics ngayon," say niya. "One to three months akong magti-take at 'pag hindi raw nag-heal, baka mag-surgery ako. "

Nakakarinig naman daw 'yung tenga niyang nagka-diperensiya, pero hindi nga lang tulad ng dati at kahit daw mag-surgery pa siya, hindi na magiging tulad ng dati ang kanyang pandinig.

Sa ngayon, bawal siyang mag-swimming at bawal ding magkasakit, lalo na ang magkasipon.

Alam na raw ni Bea ang tungkol dito at na-guilty daw ang young actress, pero say ni Sam, alam niyang hindi ito sinasadya ng kapareha.

Ayon pa raw sa doktor niya, ang mga kasong tulad ng sa kanya ay madalas mangyari sa abused women na sinasaktan ng mga asawa o magulang.

"Pero normally, naghi-heal naman daw," say ni Sam.

Good thing, puring-puri ang acting ng aktor sa And I Love You So kaya sulit na rin ang pagdurusa niya, lalo pa nga't kasalukuyan itong pinipilahan kesehodang walang SM Ci-nemas.

Source: People's Tonight