| | Nina Josa on being labeled a flirt: 'Im just being friendly, there's nothing wrong wih that' Author: Arniel Serato Natiyempuhan ng ABS-CBN.com si Nina Jose sa guesting 'nya sa isang showbiz talkshow kung saan pinu-promote 'nya ang kanyang latest magazine cover, "Hanggang ano lang, hindi bastos. Sexy na may tinatago pa rin," pahayag ng napakagandang dalaga kaugnay sa kaseksihang ipinakita niya sa MAXIM Magazine February Issue. "You asked me if I can do that, no, I can't do that. Hindi ko kayang prutas lang ang takip sa aking katawan.Yung tatay ko magwawala, yung nanay ko maloloka 'pag nangyari yun. I have my limitations definitely," dugtong pa niya nang tanungin namin kung how sexy will she go katulad ng ginawang pagpo-pose ng tatlo sa miyembro ng Viva Hotbabes sa isang sexy magazine din. Hindi maiiwasang ang mga sexy covergirls ay habulin ng mga lalaki, nakatanggap na kaya siya ng mga indecent proposals, so to speak? "Nothing indecent. Marami pong nanligaw, but not indecent. I'm not the type of girl." Isa sa mga napaka-successful PBB graduates si Nina. Marami na ring teleserye at TV series kung saan isa siya mga bida, may mga intriga na kayang nangyari sa kanya na nahirapan siyang maka-recover? "Siguro po nung PBB days, nagpapakatotoo po kasi ako dun. Pero akala siguro ng mga tao hindi, nagkukunwari lang ako. So marami pong naging ayaw sa akin. And siyempre kaka-start ko lang sa limelight noon, eh nabigla po ako. Nahirapan po ako nun, I got depressed. But I got through it because I know sa sarili ko na hindi po totoo yung mga sinasabi nila at alam ko sa sarili ko na nagpakatotoo ako," saad pa ng dalaga. Dugtong pa niya, "I was being myself. I was telling the truth. Hindi scripted, that was me." At bakit nga ba naturingan siyang "malandi" diumano during her stint sa Pinoy Big Brtother noon? Misinterpreted lang ba ang mga kilos niya? "Malandi. Lapitin sa mga lalaki. I know my limitations. I'm just being friendly, there's nothing wrong wih that," diin pa ng napakagandang dalaga habang kausap ng ABS-CBN.com. Usong-uso na din ngayon ang mga indie movies, at ayon pa sa kanya may isang offer sa kanya para sa Cinemalaya and excited na siyang gawin ito. Willing nga ba siyang gumawa ng mga love scene? "I can do love scene as long as it's tasteful. Basta walang showing of body parts." Bilang isa sa mga teen drama actresses sa ngayon, may mga roles kaya siyang gustong gampanan? "Dream role? Wala eh. Anything. Anything, its fun to play anything kasi nahahasa ka, mas naging verstile ka. Pag nangyari yun puwede kang maging best actress di ba?" Kung papipiliin siya ng tatlong actor sa ngayon na gusto niyang maging leading men balang araw, sino sino naman kaya? "Gerald Anderson. Dennis Trillo and Dingdong Dantes," tugon niya sabay ngiti. "Gerald, because he's really a versatile actor and I'm comfortable working with him and he's very nice and as you can see he's very guwapo. And he's a gentleman. Dennis Trillo, because I have always had a crush on him. Dingdong Dantes, because I love him and Ate Marian (Rivera)." So ano nga ba talaga ang tatak ng isang Nina Jose? "Tatak ni Nina...sweet, sexy innocent. Seksing inosente," pagtatapos pa ng dalaga. Source: ABS-CBN Interactive |
|