Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Nina Jose at Hazel Ann mga bagong FHM girl

Nina Jose at Hazel Ann mga bagong FHM girl

Author: Dinno Erece
Column: Daily Insider

NEWEST Kapuso si Charlene Gonzales na mapapanood next Friday - hindi pa mamaya - sa new season ng Proudly Filipina ng QTV at 7 p. m.

She will take over the job of former host Daphne Oseña-Paez at bongga agad ang una niyang mai-interview, the ladies behind the successful noon time show of TAPE na Eat Bulaga, sina Malou Choa Fagar, Helen Gamboa na asawa ni Tito Sotto and Aileen Ma-capagal na misis ni Joey de Leon.

Bukod sa Proudly Filipina, Charlene is also set to co-host with Raymond Gutierrez the Binibining Pilipinas 2008 this March 8 na ipapalabas sa GMA. Who knows, baka mag-karoon din si Charlene ng isang acting show, but all these won't materialize kung hindi siya nabigyan ng kanyang asawang si Aga to move to Kapuso network.

Inamin ni Charlene na sa GMA-7 naman talaga siya nagsimula, then na-punta sa ABC and then sa ABS. So, pagbabalik-bahay lang ito for the former Bb. Pilipinas Universe.

Nagulat pa nga si Charlene na nagbigay ng interview si Aga sa AVP ng Proudly Filipina.

* * *

HINDI lang pala si Nina Jose ang ba-gong FHM girl na Regal baby, si Hazel Ann Mendoza rin.

Before this, let us tell you that muntik-muntikan nang maunsiyame ang pagpirma nina Nina and Hazel Ann sa Regal na in-advanced column na namin dito yesterday. DMV Entertainment and Regal Films are ironing some kinks in the contract, but Wednesday night, nag-kausap-usap na rin sila at naipakilala ni DMV kay Mo-ther Lily Monteverde sina Nina and Hazel dahil join din pala ito sa papipirmahin ng Regal Films.

Anyways, last seen sa Sine Novela na Kung Mahawi Man Ang Ulap and the GMA Tele Babad La Vendetta, surprised ang pagpapa-sexy ni Hazel Ann dahil for the longest time, isa rin siya sa mga nililigawan ng FHM.

Nagpatanda muna si Hazel Ann who is now 19 years old bago siya napapayag.

Malamang na tulad ni Nina, standard eight-picture deal din ang ibibigay ng Regal sa kanya.

At nakita na namin ang FHM pictures nila, may mga K.

* * *

ANG isang malabong makita sa FHM ay si Isabel Oli.

As an actress, Isabel can be surprisingly daring lalo na sa kanyang ipinapakitang acting range sa Sine Novela na Maging Akin Ka Lamang na part ng Drama Rama Sa Hapon.

As Rosita, Isabel is not just a kontrabida there, sophisticated and sexy scene- stealer pa siya considering bigatin ang mga kasama niya rito na sina Nadine Samonte, Carlo Aquino and Polo Ravales.

Sa prints naman, bu-kod sa Myra E, Isabel is the newest girl of Cinderella, the first local celebrity to endorse this and in one of the summer campaign, nag two piece siya.

Pero, hanggang doon lang daw ang magandang Cebuana na kari-renew lang ng contract with GMA Ar-tist Center. Hindi raw niya kayang magpaka-sexy sa isang magazine pictorial.

No, hindi siya pinagbabawalan ni Paolo Contis. Si Isabel mismo ang umaa-yaw.

Ang dahilan, Born-Again-Christian kasi si Isabel at hindi puwede ang kalaswaan sa kanila. Pero, teka, si Paolo born-again na rin, eh bakit payag siya na magpa-sexy si Isabel?

* * *

MAGANDA ang labanan tonight nina Ogie Alcasid and Regine Velasquez.

Well actually, hindi sila magkakatapatan kung mali-late ng tapos ang pinakaboritong Korean novela ngayon na Coffee Prince sa GMA Tele Babad at kung maaga namang magtatapos ang guest appearance ni Regine sa anthology ng kabilang station.

But if it will happen, it's Ogie and the rest of the Bubble Gang versus his girlfriend.

Ano ang papanoorin ng dalawa? Wala, dahil nasa Bangkok sila he he he.

Anyways, special guest ng Bubble Gang tonight sina Dennis Trillo who is in rare appearance in a co-medy show, Chariz Solomon na nagpakitanggilas sa My Best Friend's Girlfriend and Pauleen Luna. Ii-spoof tonight ang commercial Rexona ni Robin Pa-dilla in seven versions plus the Coffee Prince na Copy Prince with Michael V as Angie and Diana Zubiri as his 'bossing. '

Bukod dito, may spoof din ang Fear Factor na Poor Factor.

Source: Taliba