Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

'Ninoy' ni Dingdong, aprubado kay Cory

'Ninoy' ni Dingdong, aprubado kay Cory

Author: Abante

DIRETSAHAN na­ming kinuha ang reaksiyon ni Dingdong Dantes tungkol sa mababang ra­ting ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tad­yang. Sa tingin ba ni Dingdong ay may mali sa bago nilang serye ni Marian Rivera?

“'Yung objective naman kasi sa umpisa is for us to do another roles na hindi naman 'yung palagi naming ginagawa. And definitely, ito 'yung conventional para sa amin at hindi ine-expect ng mga tao. Kaya 'yung dating ng soap sa amin, bagung-bago.”

Hindi naniniwala si Dingdong na hindi sila tanggap sa mga bagung-bagong characters nila ni Marian.

“Ang pinagbabasehan ko 'yung mga araw-araw ko halos nakakasalamuha.

'Yung mga taong nakakasalubong like sa mall. Sinasabi nila sa akin ang istorya. Balanse 'yan, eh. Pero, mas marami ang nakaka-appreciate. Mas naririnig ko 'yung feedback sa bata dahil mas mature 'yung soap.”

Nawala raw 'yung younger crowds nila?

“Sa umpisa siguro, oo. Pero, later on kasi, magkakaroon ng evolution ang mga characters. Malalaman nila kung bakit ganoon.”

Ayon pa kay Dingdong, kung sila lang daw ni Marian, wala raw silang sine-set na expectation na dapat number one series sila palagi.

Aminado si Dingdong na ngayon, ang importante sa kanya ay ang trabaho niya at ang mga produktong ine-endorso niya.

In fact, sa March 5, naka-schedule siya for another Bench Body pictorial na kunsaan, mga bagong sexy billboards na naman niya ang makikita.

Mas daring pa ba siya ngayon?

“May ide-daring pa ba?” ang natatawang balik tanong ni Dingdong.

“Siguro, it's a new concept. We'll see. But I have prepared for it na rin naman. Kahit busy, hindi pa rin nawawala ang pagpunta sa gym.”

Bukod dito, siya rin ang endorser ng I Am Ninoy merchandise ng Bench at natutuwa siyang aprubado ito ng pamilya ng namayapang bayani sa pangunguna ng dating presidente na si Cory Aquino. Anyway, confessed fan daw si Dingdong ng ama ni Kris Aquino.

Source: Abante