|
|
| No boys sa 2 girls ni Sen. BongAuthor: Nel Alejandrino NO less than President Gloria Macapagal-Arroyo was the special guest of Senator Bong Revilla sa kanyang 43rd birthday party na ginanap sa WhiteSpace in Pasong Tamo, Makati, Saturday (Sept. 25, his exact birthdate). She came with several of her trusted men, including Bobby Claudio, one of her advisers. She stayed hanggang matapos ang AVP (audio visual presentation) ng 10 amazing things which Senator Bong's staff, ang staff din ng kanyang misis na si Lani Mercado, pati na ang staff ng kanyang programang Kap's Amazing Stories, aired Sunday sa GMA-7. More or less, in his stint at the Senate, his first actually, Senator Bong has authored 57 bills, a number of which has already been passed, one of the most popular of which ay 'yung required na pagsuot ng helmet, kapag naka-motor. There is, of course, din 'yung bill niya lowering from 30% to 10% ang amusement tax for films at lahat ng may kinalaman dito. Malaking tulong nga raw ito sa industriya, na ang isa sa mga dahilan kung bakit marami ang produksyong nag-sara, na siyang dahilan kung bakit itinuturing na near death ang movie industry ay ito ngang walang awang amusement tax na ini-impose ng gobyerno. Binanggit din (naalala nyo pa?) ang diumano'y "pakikialam" ni Senator Bong sa hostage taking na naganap sa mismong harapan ng Manila City Hall, involving mga batang enrolled sa isang public pre-school. They were all inside the bus for a field trip, when isang hostage taker ang biglang pumasok sa sasakyan and took all the children and the elders as hostages. The hostage taker had numerous demands. Until nga, dumating si Senator Bong. Siya na ang nakipag-negotiate sa hostage taker, after nasiguro niyang lahat ng mga innocent victims na nasa bus ay napakawalan na. The worst could have happen to the hostage victims. Kaya, kahit pa binatikos siya, ang importante kay Sen. Bong, ay ginawa niya ang nararapat. * * * Maganda rin kahit papaano, ang naging resulta ng pag-expose niya sa sex video involving Katrina Halili at Dr. Hayden Kho. At least, naging aware nga ang ating mga kinauukulan, lalo na ang mga kababaihan, tungkol sa existence ng crime na ito sa mga kababaihan. Kaya nga raw, medyo dismayado si Sen. Bong at ganundin si Katrina na suspension lang ang parusang ipinataw kay Dr. Kho. Most-touched kami sa sinabi ng kanyang anak na si Loudette dahil despite daw his papa's busy schedule, he still finds time to play badminton with them, i-shopping sila at mag-attend ng mga activities nila sa school, which require both parents' presence. Ang tanging hiling daw ng papa nila sa kanya at sa isang kapatid pa niyang babae na si Gianna ay 'no boys' muna. May asawa at anak na ang panganay nina Senator Bong at Lani na si Inah at 19. Suwerte nito ang napangasawang si Vince del Rosario ay mabait at responsible. Vince talked highly of Sen. Bong as a father- in-law. * * * Equally nakaka-move ang mga testimonies ng mga kapatid ni Senator Bong na sina Marlon, Rowena, Strike (Revilla, Mayor ng Bacoor, Cavite) at Andeng (misis ng Governor ng Rizal na si Jun Jun Ynares), tungkol sa kabaitan ni Senator Bong bilang kapatid. Lalo na raw nang magkasakit ang kanilang ama, si former Sen. Ramon Revilla, Sr. , parang tumayo na ring kanilang panganay, tulad ng kanilang Kuya Marlon, si Senator Bong. Sabi nga ni Mayor Strike, kung anuman siya sa kasalukuyan, malaki ang naiambag ng kanyang Kuya Bong. Ang nag-serve na host ng Amazing Bong ay si Michael V. , who should be congratulated for his effort to look, sound and act like Sen. Bong. Nag-serve naman bilang hosts ng inihandang programa nina Lani at ng kanyang mga anak (nag-offer sila ng dance number) sina Paolo Bediones at Tuesday Vargas. JayR did two song numbers. Source: People's Tonight |