Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Nonito Donaire, alanganin pa rin? Ogie-Michael, winner na winner!

Nonito Donaire, alanganin pa rin? Ogie-Michael, winner na winner!

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

Whatever Yaya, you are such a... winner!

Yes, you read it right. Ang Yaya & Angelina: The Spoiled Brat Movie has undeniably won audiences' hearts and tickle bones as it earned a whopping 10 million pesos daw on its opening day.

Ang favorite Bubble Gang tandem nina Michael V. (Yaya) at Ogie Alcasid (Angelina) has proven that their duo could also be a hit even in the big screens as fans tirelessly lined up to watch their idols.

Hindi naman kataka-takang kumita ang movie, dahil wala naman daw talagang katapusan ang pagtawa mo sa panonood dito.

At kahit ang mga “surprise guest” nila ay nagawa ng maganda ang purpose nila sa pelikula, na ikina-shock din ng mga manonood.

Indeed, the movie delivered a complete package of visual, physical, and emotional laughing hysteria.

With the sudden influx of comedies at pre­sent, GMA Films and APT Entertainment are very pleased that The Spoiled Brat Movie was not only able to sustain the people's thrill for comedy but was able to surpass the moviegoers' expectations.

With a bright future ahead, The Spoiled Brat Movie will continue to make people laugh to the highest levels as it continues to run in theaters nationwide.
***

Sino ang susunod na matatanggal sa Celebrity Duets?

Naku, hindi pa man nagsisimula ang ikalawang elimination night ng Celebrity Duets, nabawasan na ng isa ang natitirang walong kalahok.

Due to health reasons ay nag-resign sa Celebrity Duets si Mikaela Bilbao.

Matapos kasi ang huling performance niya, hinimatay siya at agad na isinugod sa ospital.

Pinayuhan siya na ng mga doktor na mas makakabuting mag-resign na ito sa kompetisyon.

Anyway, tuloy pa rin ang tanggalan sa Celebrity Duets nga­yong gabi.

Matapos ma-vote-out ang beauty queen na si Janina San Miguel, sino kaya kina Jomari Yllana, Maxie Cinco, Joel Cruz, Gina Alajar, Akihiro Sato, Niccolo Cosme, at Nonito Donaire, Jr. ang pauuwiin ng taong bayan?

Pawang positibo ang mga nakaraang komento kina Jomari at Akihiro. Ang tanong, ganoon din kaya ang opinyon ng mga manonood?

At sapat na kaya ang ginawang pagbirit nina Nonito at Gina para hindi na sila muling malagay sa alanganin ngayong darating na Sabado? O baka naman mas lalong naging alangin ang puwesto nila?

Sa mga nais bumoto sa kanilang pambato, i-text lang ang DUETSFIRST NAME OF CONTENDER at i-send sa 367 para sa Smart at Talk 'N Text o 2344 para sa Globe/Touch Mobile at Sun subscribers. Bukas ang botohan hanggang 12 noon ngayong Sabado, September 26.

Sina Pinky Amador, Tuesday Vargas, Kris Lawrence, Vernie Varga, Anton Diva, Geoff Taylor, at Wally Bayola ang makaka-duets ng mga natitirang contenders.

Source: Abante