|
|
| Non-showbiz BF, iniwan ng pa-sweet na young actress para sa young actorAuthor: Nitz Miralles Hindi naman pala totoong never pang nagka-boyfriend ang isang pa-sweet na young actress, dahil may matagal na siyang non-showbiz boyfriend na galing sa pamilyang may-ari ng isang chain of drugstores. Kung 'di pa nag-break, hindi malalaman ang itinagong ka-relasyon ng actress. Nakipag-break ang young actress sa non-showbiz BF dahil nililigawan ng young actor na anak ng isa ring artista. Ang soon-to-be-BF ang inirason ng dalaga sa pakikipaghiwalay sa dating nobyo na mas gusto ng kanyang ina. Ang madir ng actress pa ang nag-suggest sa ex ng anak na kausapin ito at baka magbago ang isip, pero desidido na ang actress na hiwalayan ang guy at inaming mahal niya ang young actor. Walang nagawa ang guy kung 'di pakawalan ang actress at tapusin ang relasyon nila. * * * Ayaw pumayag ni Joyce Jimenez sa comment ng press na anorexic siya sa sobrang kapayatan at para patunayan, nakipag-sabayan siyang rumampa sa Brazilian models na kinuha niya para sa fashion show ng Private Joyce Intimate collections na binubuo ng sleep at swimwear. Kahit nagtatangkaran ang mga model, si Joyce pa rin ang pinalakpakan nang husto. Isinabay ang launching ng Private Joyce Intimate Collections sa 25th anniversary ng Ever Bilena sa ballroom ng Crowne Plaza. Big time businessmen ang present and that night, hindi na artista, kung 'di businesswoman ang dating ni Joyce sa amin. Hosts sa nasabing affair sina Donita Rose at Luis Manzano na paulit-ulit ang pagsasabing "I'm complete," blurb ng TV commercial ni Angel Locsin. Love talaga nito ang actress at kulang na lang banggitin ang pangalan nito. * * * Nag-taping na si Dennis Trillo para sa one month guesting niya sa ESP at gusto nito ang kanyang role na sinasapian. Magiging regular na rin ang actor sa Bubble Gang at pinaghahandaan na ang pagbabalik niya sa afternoon soap ng GMA-7. Hindi pa lang alam ng manager niyang si Popoy Caritativo kung anong TV remake ang gagawin ng alaga. After the afternoon soap, babalik sa primetime si Dennis sa last quarter ng taon. "Puwede" ang sagot ni Popoy sa suggestion ng press na sana, ang actor ang makapareha ni Regine Velasquez sa local version ng Kim Sam Soon, pero wala pang sinasabi ang Channel 7. Malapit na ring matapos ang shooting nina Dennis at Judy Ann Santos ng Kulam ng Regal at balita namin, kung magkakasundo, makakasama ang actor sa isang big film project this year. Wait na lang tayo at i-a-announce rin ito. * * * Matindi pa rin ang mga eksena sa MariMar ngayong Huwebes at sa muling paghaharap nina Angelika (Katrina Halili) at Sergio (Dingdong Dantes) sa yate, sasabihin nitong pinapunta niya si MariMar para makita ang bangkay nila ni Cruzita. Tatawag si MariMar kay Angelika at 'di alam na naka-attach sa police locator ang kanyang number at susugod sa yate ang mga pulis with Renato (Richard Gutierrez), pero wala na si Angelika at ang hostages nito. Paghihiwalayin ni Angelika ng yate ang mag-ama, pero pareho niyang pasasabugin gamit ang bomba. Unang pupuntahan ni MariMar si Cruzita at inisip ni Angelika na mas pinili nito ang anak over Sergio. Makikita nina MariMar at Cruzita ang pagsabog ng yate na kinalalagyan ni Sergio. Source: People's Tonight |