Dec 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

WELCOME!

Telebisyon.net is a website designed for Filipinos around the world. This website contains casts and crew information, episode guide, plot, summary, celebrity appearances, and more. Mabuhay ka, Pinoy!

 

Nora, Tirso magsasama sa US concert!

Nora Aunor

Column: Rated A
Author: Aster Amoyo

Hanggang sa Friday, April 28, na lamang ang Spirits ng ABS-CBN. Ipapahinga raw muna ni Direk Chito Roño ang teleserye dahil may gagawin siyang dalawang movie, isa sa Regal Films at isa sa Star Cinema. Sa kasalukuyan, nasa Cannes Film Festival si Direk Chito, kasama si Direk Joyce Bernal dahil entry doon ang Dekada 70 at Mr. Suave.

Makakapalit ng Spirits ang bagong teleseryeng Ikaw Ang Lahat Sa Akin na maghuhudyat daw sa muling pagbabalik ng tinaguriang Teleserye Princess na si Claudine Barretto. Makakasama ni Claudine dito sina Diether Ocampo at triangle sila ni Angelika dela Cruz. Kasama rin sina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo at si Shaina Magdayao.

* * *

Maraming mga kababayan natin, lalo na ang mga fans nina Nora Aunor at Tirso Cruz III ang nagsasaya sa muli nilang pagsasama sa concert sa States. Iyong iba, naghihintay kung paano tatanggapin si Guy, pagkatapos niyang mag-plead ng Not Guilty sa Los Angeles dahil sa drug case na kinasangkutan niya. Iyong iba naman, tuloy ang pagsuporta sa kanilang idolo.

Paalis si Tirso papuntang USA on April 28 dahil ang first show nila ni Nora ay sa April 30 sa Reno, Nevada, sa May 3 ay sa Los Angeles at sa May 6 ay sa Las Vegas, Nevada.

* * *

Nakarating sa amin ang balita na sobrang init daw sa Dubai ngayon, kaya medyo hirap sa pagsu-shooting doon sina Aga Muhlach, John Lloyd Cruz at Claudine Barretto ng movie nilang Dubai. Tuwing matatapos mag-take ng eksena, punta raw agad sila sa hotel para malamigan. Si Rory Quintos ang nagdidirek ng movie from Star Cinema na tungkol sa mga OFW doon. Sina Aga at Claudine ay mag-sweetheart at younger step-brother naman ni Aga si John Lloyd.

Three weeks lamang sila roon pero inip na inip na silang makabalik dito, si Claudine, nami-miss na raw niya ang anak nila ni Raymart Santiago, si Sabine and of course si Aga, ang kambal niyang sina Atasha at Andres.

* * *

Na-confirm na namin na na-postponed ang playdate ng Nasaan Ka Man ng Star Cinema na tampok sina Claudine Barretto, Diether Ocampo at Jericho Rosales from May 11 to June 1, 2005. Ibig sabihin nito, magkakasabay ng playdate ang Nasaan Ka Man at ang Say That You Love Me ng MaQ Productions na nagtatampok naman sa mga bagets na sina Mark Herras, Jennylyn Mercado, kasama sina Nadine Samonte, Tyrone Perez and Cristine Reyes with StarStruck 2 avengers Megan Young ang Benj Pacia, directed by Mac Alejandre.

* * *

Iniintriga pala si Rachelle Ann Go dahil sa title ng kanyang first solo major concert sa Friday, April 29, sa Aliw Theater, ang Ultimate Champion. Ito na rin daw kasi ang itatawag sa mahusay na singer kaya siya iniintriga, bakit daw siya ang binigyan ng ganoong title?

Wala namang maisagot si Rachelle dahil ang Viva Concert daw naman at mga taong involved sa concert ang nagbigay noon. Sina Mark Bautista, Christian Bautista at Ogie Alcasid ang special guest ni Rachelle sa gabing iyon.

Source: Pilipino Star Ngayon