|
|
| Nora, 'di pa puwedeng umuwiAuthor: Nitz Miralles BALIK-GMA Network si Dina Bonnevie sa Babangon Ako at Dudurugin Kita as the matriarch ng sindikato na ngayon lang niya nagampanan. Naloka ito't namamaril siya rito, na first time rin niyang ginawa at natawa kami kung paano siya humawak ng baril. Role ni Monalisa sa movie ang papel niya rito, pero pinabata. "It's nice that I can work in both stations. Hindi ako exclusive sa ABS-CBN at GMA-7 at panatag ang loob ko. Very appreciative ang both networks and willing to give me projects. I'm happy to work with people I've worked before. Happy din ako na hindi ako kinuripot ng GMA sa talent fee at napansin kong marami akong eksena," tsika pa ni Dina. Sa Divine Grace Medical Center sa Tanza, Cavite, namin siya pinuntahan at 7 a. m pa siya roon, kaya ngarag na sa tuluy-tuloy na taping. Imbyerna man sa role niya, dahil allergic siya sa pulbura, ginawa pa rin niya dahil maganda ang character niya at kay Direk Joel Lamangan. Natutuwa rin si Dina na hindi sila masyadong babad sa shooting at ang pinaka-late nilang uwi ay 2 a. m. Sa pilot week lang sila nangarag, dahil sa malalaking eksenang kinunan na kinailangan pa ang helicopter. Isa pang ikinagulat ni Dina sa role niya sa Babangon..., ay ang pagkakaroon ng love scene with Tonton Gutierrez. At 46 years old, hindi niya akalaing gagawa pa siya ng love scene at nagkatawanan na lang daw sila ng actor. Last Saturday lang nagkita sina Yasmien Kurdi at Dina at nang malaman ng una na nagpapahinga ang huli, pumasok ito sa kinaroroonan ng co-star para bumati. Matutuwa si Yasmien sa comment ni Dina sa kanya. Sabi nito: "I've never seen her in person. Sa TV ko lang siya napapanood. Wala siya sa storycon. Maganda ang mukha niya, parang si Hilda Koronel, ang laking bulas na bata. " Sa March 24, na ang pilot ng Babangon. .. sa Telebabad ng Channel 7 at ito ang ipapalit sa MariMar. All-star cast ito at TV remake ng pelikula nina Sharon Cuneta, Hilda, Bembol Roco at Christopher de Leon. * * * KUNG 'di sasabihin, hindi malalamang may three-year-old daughter na si Valerie Concepcion dahil napanatili ang kaseksihan. She's 116 lbs. now, nine pounds heavier mula nang mag-take ng Slenda, ang herbal dietary supplement na sinimulan lang niyang inumin noong January. Maganda ang TVC ni Valerie ng Slenda na ilo-launch sa ASAP '08 this Sunday. Wala itong side effects at mura (P12 each capsule), kaya tiyak na mas marami ang bibili 'pag nalamang effective ito sa endorser at image model. Samantala, masayang ibinalita ni Valerie na extended for another six months ang stint niya sa Wowowee at nagpapasalamat siya sa ABS-CBN. Malaking tulong sa kanya na araw-araw napapanood, nagkaroon siya ng movie sa Star Cinema at naggi-guest sa iba't ibang shows ng Channel 2. May tsismis ding isa siya sa mga kinu-consider sa Betty La Fea, na gustong gawin ni Regine Velasquez. "Nagulat ako sa balitang 'yan. Flattered ako dahil sikat ang Betty La Fea at sino ba naman ako para isama sa choices, pawang leading ladies ang pinagpipilian? "Gusto ko siyempreng gawin, challenge 'yun for me at willing ako maski anong itsura ko. Ang problema, ang Wowowee, kasi hindi ko siya maiiwan dahil du'n ako nagsimula. " * * * BUKAS na ang premiere night ng The Half-Blood Samurai sa Cinema 10 ng SM Megamall at kampante si Jacky Woo na susuportahan ng fans ni Jennylyn Mercado at ng mahihilig sa action movies ang kanilang pelikula na showing sa March 5. Hindi lang actor dito si Jacky, siya rin ang director at producer at siya rin ang pumili kay Jennylyn as his leading lady. Kahit hindi sumipot sa first presscon ang actress, gusto pa rin siya ng Chinese-Japanese actor at sa next movie na ipu-produce niya, gusto pa ring isama ang preggy actress. Talented at maganda raw si Jennylyn at suportado pa rin ng fans. In fact, si Jacky na ang nakiusap sa press na tigilan na ang pagtatanong ng personal questions sa kapareha't naawa siya rito. Tungkol sa pelikula na lang daw ang itanong kay Jennylyn at kahit noong tapos na ang presscon, inalalayan pa rin niya ang kapareha. Nasa cast din sina Paolo Paraiso, Niña Jose, Gabby Eigenmann at may cameo role si Cesar Montano. * * * KASAMA sa Kaputol ng Isang Awit sina Tirso Cruz III at Gary Estrada. Ang una'y ginagampanan ang role ng ama ni Sarah Monteza (Glaiza de Castro) at ang huli'y ama naman ni Joanna Ambrosio (Lovi Poe). Hindi nawawala sa eksena si Gary at laging may show sa GMA-7. Mas kontrabida nga lang ang role, pero mas gusto niya. Naniniwala siyang tumatatak din sa viewers ang bad guy role. Naaaliw si Pip sa role niyang asawa ni Snooky Serna, dahil sa My Heart Belongs to Daddy, anak niya ang actress. Ngayon, mag-asawa na sila. Ganu'n daw talaga ang mga hindi tumatanda at pabata nang pabata ang kapareha. Galing sa Oxnard, Ventura County, Los Angeles, si Pip for a show with Nora Aunor. Mainit pa rin ang pagtanggap sa kanila ng fans at nagulat siya dahil may mga bata silang fan. Itsinika nitong naka-shorts si Guy sa kanilang show. Hindi pa raw ito makauuwi at kung makauuwi man, baka end of this year pa. Source: People's Tonight |