|
|
| Nora-Diaz movie, umani ng negatibong feedback! Kristine, nagmumukhang katawa-tawa!Author: Jojo Gabinete NEGATIVE ang mga feedback sa movie project na pinaplano ng direktor na si Lav Diaz para kay Nora Aunor. Negative?dahil aasa si Lav sa donasyon ng fans ni Nora para mabuo ang pelikula na posibleng umabot sa 40 hours ang running time. Reclusion Perpetua ang pamagat ng project. Hindi pa nakaka-recover ang mga Filipino sa mga kalamidad na nanalanta sa ating bansa. Hindi madali sa kanila ang magbigay ng donasyon para sa isang movie project na walang katiyakan kung kailan mag-uumpisa at matatapos. Mahusay na aktres si Nora. Wala nang?makakapantay sa kanyang mga achievement sa Philippine entertainment industry. Nag-iisa lamang siya, pero wala nang kaawa-awa pa sa isang artista na aasa na lang sa “patak-patak” na tulong ng kanyang mga tagahanga para magkaroon ng pelikula. Magkasundo na sina Deputy National Security Adviser Luis “Chavit” Singson at ang kanyang ex-live in partner na si Rachel Tiongson, pero sa November 2009 issue ng S Magazine, palaban pa rin ang kanilang mga pahayag. Obviously, nagpainterbyu ang ex-couple noong hindi pa sila nagkakasundo kaya hindi updated ang article na aming nabasa. Nevertheless, may mga?statement?si Chavit?na bago?tulad ng kanyang banta na idedemanda niya ng libel ang mga tao na nagkakalat ng malisyosong tsismis tungkol sa kanila ni Nicole Anderson, ang anak ni Jean Saburit. Pinabulaanan ni Chavit sa S Magazine ang mga paninira kay Nicole. Matalik na kaibigan ni Chavit ang ama ni Nicole at halos sila ang nagpalaki sa former young actress na nag-aaral na ngayon sa Amerika. Ipinakita sa S Magazine ang mga litrato ng malaking bahay ni Chavit sa Corinthian Gardens. May mga litrato rin ng mga anak nila ni Che. Sana lang, nagkusa ang S Magazine staff na i-blur ang mga mukha ng mga anak nina Che at Chavit dahil mga menor-de-edad pa sila. Hindi tama na madamay sila sa problema ng kanilang mga magulang. Nagwakas na kahapon ang Game About Love, ang Koreanovela na napapanood sa GMA 7 pagkatapos ng Tinik sa Dibdib. Sa Lunes, November 2, ang Freestyle ang mapapanood sa nabakanteng timeslot ng Game About Love. Isang Koreanovela rin ang Freestyle, isang love triangle story na magaganap sa basketball court, ang paboritong aliwan at tambayan ng mga Filipino. Magkakaroon ng international premiere ang Patient X sa 30th American Film Market sa Sta. Monica, Los Angeles, California. Inaasahan ang pagdalo ng Patient X director na si Yam Laranas sa nabanggit na event. Hindi makakapunta si Richard Gutierrez dahil busy na siya sa taping ng kanyang bagong primetime show, ang Full House. Mag-uumpisa ang 30th American Film Market sa November 4 at magtatapos sa November 11, 2009.?Mahigit sa 400 films?ang kasali, walong libo na film buyers at industry professionals mula sa 70 bansa ang dadalo. Dapat alagaan ng mga writer ng Dahil May Isang Ikaw ang karakter ni Kristine Hermosa?dahil?nagmumukha nang katawa-tawa ang kanyang papel. Matalino na lawyer ang ginagampanan ni Kristine pero hindi ginagawa ng isang mautak na abogada ang karamihan sa mga eksena na ibinibigay sa kanya. Hindi dapat hintayin ng mga writer ng Dahil May Isang Ikaw na kainisan ng viewers ang kanilang show. Kung kailan tumataas ang rating ng programa, saka nagkakaroon ng mga?butas ang kuwento na kailangan nang ayusin, lalo na ang karakter ni Kristine, bago maisipan ng viewers na maglipat ng channel. Source: Abante |