|
|
| Nota ni Jude Law, kalat na sa Internet?![]() Author: Jun Nardo NAAPRUBAHAN na ng US Embassy ang working visa ng mga stars, staff and crew ng Eat Bulagana nakatakdang mag-show sa Las Vegas, Reno at San Diego sa first weekend ng September. Ito �yung dating commitment ng show na hindi natuloy dahil sa hindi pagkakaayos ng ilang bagay na may kinalaman sa pagtatanghal ng noontime show sa Amerika last July. Of course, tuwang-tuwa ang halos lahat ng mga gumising nang maaga kahapon para sa appointment ng grupo sa embassy. Naging assistant nila sa interview ang reliable at machikang social butterfly na si Bernard Cloma. Ilan sa hosts na first timers sa America ay sina Gladys Guevarra, Teri Onor, Jose Manalo, Wally Bayola, ang Sex Bomb Dancer na si Aira Bermudez, Paolo Ballesteros. Siyempre, kasama pa rin ang mga sanay na sa Tate na sina Vic Sotto, Joey de Leon, Allan K, Toni Rose Gayda, Jimmy Santos, Ruby Rodriguez, Ciara Sotto, Keempee de Leon at ilan sa Sex Bomb Singers. Kasama rin siyempre si Pia Guanio, pero maiiwan naman ang mga baguhang hosts na sina Julia Clarete at Pauleen Luna. May isang member ng Sex Bomb Singers na hindi nabigyan ng working permit. Pero ini-schedule muli ni Bernard ang appointment nito. Hind raw kasi naintindihan ng singer ang tanong ng consul sa kanya, kaya namali ang sagot niya. Tuloy na tuloy na ang alis ng grupo ng Eat Bulaga sa August 28. Kaya �yung mga kababayan natin diyan, abangan ang malaking pasabog ng grupo sa inyong lugar. *** Naging panauhin ng Indonesian Idols ang singer nating si Christian Bautista last August 13 at tatlong songs ang kinanta niya sa programa. Ayon sa e-mail sa amin ng publicist ng STAGES na namamahala sa career ni Christian, ang guesting nito ay ipinalabas nang live via sa Indonesia�s RCTI TV station sa Jakarta. Kinanta ni Christian ang hit songs niyang The Way You Look At Me, Hands To Heaven na kasama ang female finalists ng season at I Believe I Can Fly at ka-duet niya rito ang last year�s winner na si Delon. Bukod sa mga taong nanood ng performance ni Christian, special guest that night ang Indonesian president na si Susilo Bambang Yudhono. *** Para naman sa ating regular reader from Dunzweiler, Germany na si Bernard Lucero, wala kaming detalye ng gagawing concert nina Nonoy Zuniga, Marco Sison at US singer na si Bennet diyan sa Trier, Germany sa August 20. Anyway, as per your request, greetings sa Junatas family ng San Carlos, Pangasinan at kina Bernard at Cornelia Lucero ng Germany. Keep reading Abante on-line, huh! *** Foreign news naman tayo mula sa Entertainment Weekly. Matapos ang masalimuot na balita sa lovelife niya, ang personal na itinatago naman ng aktor na si Jude Law ang tiyak na pagpipistahan ng buong mundo. Ayon sa report ng Entertainment Weekly, nakunan nang hubo�t hubad si Law ng isang paparazzi fotog nang maghubad ito sa isang bahay na malapit sa mother niya sa France. Frontal nude ang kuha ng fotog kay Jude at bumuyangyang daw sa pictures ang kanyang itinatago, huh! Agad naman itong kumalat sa Internet! Nang kunan ng komento ang representative ni Jude, nakiusap itong bigyan ng break ang aktor na nagbabakasyon sa France kasama ang mga anak. Matapos nga namang kumalat ang balitang nagkatikiman sila ng yaya ng mga anak niya, heto naman ang balitang nakunan siya ng hubo�t hubad! Eh, si Jude pa naman ang nanalo sa poll ng 1,000 British moviegoers na may sexiest behind dahil sa bath scene niya sa The Talented Mr. Ripley. Gayunpaman, kahit batbat ng kontrobersya, patuloy pa rin si Law sa paggawa ng movies tulad ng All King�s Men with Sean Penn at Kate Winslet at Doing Breaking and Entering with Juliette Binoche. *** Tsugi na rin si Pierce Brosnan bilang James Bond Agent 007. Hindi na siya ang lalabas sa latest installment na Casino Royale. Si Brosnan ang fifth actor na lumabas bilang Agent 007 at panlimang movie na niya sana ang Casino Royale. Ayon sa pahayag ng actor sa Entertainment Weekly, isang tawag lang ang nakuha niya mula sa producers ng famed British agent. At least ngayon, puwede na niyang magawa ang gusto niyang gawin. "There was a sense of liberation," ani pa ng aktor. Pero halatang may sama rin ng loob ang aktor sa dagdag pa niyang pahayag. "It never felt real to me. I never felt I had complete ownership of Bond. Because you�d have these stupid one-liners -- which I loathed -- and I always felt phony doing them. They don�t know how to move on!" Ilan sa pinagpipiliang kapalit ni Brosnan ay sina Hugh Jackman, Ewan MacGregor, Jude Law, Heath Ledger, Clive Owen at Orlando Bloom. *** Happy, happy birthday today sa Regal producer na si Mother Lily Monteverde. Ayon sa kanya, wala raw bonggang selebrasyon but knowing Mother Lily and her friends, di ba? Source: Abante |