Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

OMB, niregalo ni Edu kay Ronnie? PENGE NAMAN AKO NIYAN

OMB, niregalo ni Edu kay Ronnie? PENGE NAMAN AKO NIYAN

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

GOSHABELGOSH! How time flies indeed! September 26 nu'ng dumating si “Ondoy” for a watery visit at nagbanta pang papasok din sa bansa ang kung anu-anong kalintikan na mabuti na lang mas nanaig ang dasal at pagsisisi sa mga tao kaya hindi naka-enter da dragon ang mga lintek na bagyong 'yan!

Now its the monthsary of the Ondoy visit in the midst of several complaints pa ng mga dapat bigyang binaha na mga relief goods na itinambak lang daw pala ng ibang swapang na naghihintay lang ng pagbabalik sa normal ng mga binaha at 'yun naman ang ititinda na - like the ukay-ukay na donations na itinitinda na sa halip na ipamigay!What else is new nga?

Pati nga itong bilis ng panahon once pumasok na ang “BER” months, heto at papasok na ang buwan ng November and before we know it - its Christmas time na uli!

So Merry Christmas na lang! Be merry and gay - at kung gusto nyo, yayain niyo na ang mga syota niyo and marry each other na - tutal hindi naman bawal sa mga pari ang magparami ng anak at magpakalat-kalat sa kalye ang mga batang walang makain at hubad pang namamalimos ng... “Sir, pangkain lang po” ng nakalahad na palad. Gosh!***

Ngayong gabi ang VIP premiere night ng pelikulang nakakatakot - ang Richard Gutierrez RGutz “Patient X” - sa Promenade, Greenhills.

Papaano 'yan, R-13 pala ito sa MTRCBH kaya 'di makakapanood ang 8 years old kong apong si John-John kaya may I make bola na lang to him na 'di matutuloy ang preem nite.

Pero ang tiyak ko ay aabangan nito ang regular showing sa mga thea­ters since laman si John-John pag wala siyang pasok ng SM North Edsa, Trinoma, Mall of Asia, SM Clark.

At ang sigurado mag-aabang si John-John ng pirated copy ng “Patient X” para sigurado niyang mapapanood sa laptop niya!

Hingi ko na lang kaya ng kopya ng “Patient X” si John-John sa bagong OMB chairman na si Ronnie Ricketts?***

Speaking of Rockets, from Edu Manzano, niregalo kaya niya ang OMB chair sa dating s'yota ni Maricel Soriano na pinakasalan naman ni Edu Manzano and later hiniwalayan din dahil yata sa 'di sila magkaanak?
At si Rockets ay si Mariz naman ang pinakasalan at inanakan?
Nauna pala namang nagregalo si Ronnie Ricketts and so Manzano is merely returning a favor? Ha! Ha! Ha!

Heto pa. Dati palang niligawan ni Noynoy Aquino si Korina Sanchez na bukas ay ikakasal na kay Mar Roxas.

Pumayag si Noynoy kasi pumaya­g din si Mar na 'di na kala­banin si Noynoy sa pagka-pangulo at okay na siyang maging vice president na lang ni Noynoy?

Anong sey mo, Kris?

Para bang commercial ni Maja Salvador na “Penge naman ako niyan”? Ha! Ha! Ha! Ha!

Source: Abante