|
|
| ON THE SET: Stairway to Heaven stars shoot wedding dance![]() Author: Paul Mata Nagkagulo ang mga tao sa SM North The Block noong Miyerkules, October 14, nang mag-shooting sa ground floor ang cast ng GMA-7 show na Stairway to Heaven. Lalo pa silang na-excite nang makita nila ang mga bida na sina Dingdong Dantes na nakasuot ng suit samantalang si Rhian Ramos naman ay nakasuot ng suit at all-white wedding gown na akala mo'y ikakasal na sa altar. Kasama naman nila ang iba pang cast members ng TV show tulad nina Jean Garcia, Jestoni Alarcon, Sandy Andolong, Glaiza de Castro, at Carlo Gonzales. Sumikat kamakailan ang isang video ng isang kasal kunsaan ang entourage ay nagsayaw sa aisle ng simbahan papunta sa altar. Parang ganito ang naging concept nang mag-shoot on location ang Kapuso stars. Kwento ni Dingdong bago mag-taping, "Yung shooting ngayon is for the fashion show by Sherryn [Karen Delos Reyes] where she is launching her wedding collection. Abangan n'yo na lang yung mangyayari." Dagdag ni Dingdong, "Habang mas tumatagal na-enjoy ko siya. Nagkakaroon na ng life yung istorya. Kasi parang it started on a very high note na peak ng love story nila ni Jodi. Pero ngayon nag-uumpisa sa light at ligawan stage. Very playful, mas enjoy." Kwento ni Dingdong that everything he has done for Stairway to Heaven ay naging challenging. "Hindi siya madali. Because you cannot force that. Ito yung acting na hindi mo pwedeng ituro. It should come naturally. Kahit na sabihin mo na memorize mo yung line, hindi ibig sabihin na magkakaroon ng magic. It's how you deliver it," sabi pa ni Dingdong. Dagdag pa niya, "Focus lang ako kung paano gampanan yung role ko. Even siguro in between takes, I'm still in character para hindi mabitawan. Para consistent. Kasi kapag nagpahinga ako sandali, it's hard to get back into character." What does he feel that he has a new onscreen partner in Rhian Ramos? "Okay yung working relationship namin. Wala kaming problema 'coz in order for something to work, nagkakasundo kayo at some point. And yun yung maliwanag sa amin dito. We both like what we are doing. Seryoso tayo dito," banggit ni Dingdong. Dingdong gives his own theory why they have so much chemistry together on television. "You will feel truth. You will know kung yung message ng pag-act at portrayal is mararamdaman ng audience. Nagpapasalamat ako sa life experiences kasi yan ang nag-inspire sa akin. Kasi that's why I know how to react in certain scenes because it happened to me before." He also appreciates what Direk Joyce Bernal has taught him in this drama series. "Marami ako natutunan sa kanya as a director. Basta in terms of acting, hindi lang siya ka-trabaho pero naging teacher ko siya. Sa pag-aarte, especially dito, ang laki ng influence ni direk Joyce na talagang director siya in everything. Kahit sa pinakamaliit na detalye, siya yung nag-di-direk. Kahit nga may ipis kaya niyang i-direk sa eksena. Tingnan mo yung sa Kimmy Dora, may ipis. Yun yung naging highlight ng film," pabirong sabi ni Dingdong kung saan kasama din siya sa nasabing comedy film. Assurance lang ni Dingdong sa mga sumusunod sa nasabaing show, "Sana lang mas marami pa makapanood. Sana makabalik na yung opportunity sa kanila na makapanood. We are guaranteeing them a good show." Source: Philippine Entertainment Portal |