Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

OVERHAUL

Author: Vinia Vivar

MUKHANG may promise at future ang bagong-bihis na network na TV5 (formerly ABC-5) base sa mga programang iprinisinta nila sa grand press launch sa C3 Events Place, Greenhills, last Thursday night.

Isang major overhaul ang ginawa sa TV5 at ang isa sa pinakaimportanteng pagbabago ay ang pagi-install ng network ng state-of-the-art transmitter na nagkakahalaga ng $2. 6M (P117M).

Dahil sa bagong transmission na ito, ayon sa CEO ng network na si Christopher Sy, ang TV5 ay magkakaroon na ng malinaw na signal which could be at par o baka nga raw mas higit pa sa dalawang higanteng network na ABS-CBN-2 at GMA-7.

Sandamakmak na bagong programa ang bubuksan ng TV5 na magbibigay ng karagdagang trabaho para sa ating mga artista.

Katunayan, karamihan sa mga nakuha nila ay pawang mga talent din ng ABS-CBN at GMA-7.

Ilan sa mga bagong programang bubuksan ay reality shows tulad ng Talentadong Pinoy hosted by Ryan Agoncillo every Saturday at 6 p. m. , My MVP, isang reality basketball show hosted by Bayani Agbayani, Jason Webb at coach Norman Black at ang Philippines Scariest Challenge, pangungunahan naman nina Jomari Yllana at Cesca Litton.

Kakaiba ang primetime programming ng TV5 tuwing weeknight. Bawat gabi, bagong programa ang ihahain sa 7 p. m. slot.

Sa variety show naman, naririyan pa rin ang Shall We Dance ni Lucy Torres-Gomez every Sunday, 9 p. m. , at idinagdag din bilang hosts sina Jon Avila at Victor Basa.

May English and Tagalog films din na ipalalabas called 5Max Movies at 8 p. m. , weeknights. May teen series din na Lipgloss, na mapapanood every Saturday afternoon.

May bago na ring slogan ang network, "Shake Mo, TV Mo," kaya puwede sigurong tawaging "Ka-Shake" ang network dahil ang ABS-CBN ay Kapamilya at Kapuso naman ang GMA-7.

Nagsimula na kahapon (Saturday, Aug. 9) ang pagsa-sign-on ng TV5 at pamamaalam naman sa ere ng ABC-5.

Ang TV5 ay television channel brand ng MPB Primedia, Inc. , a Philippine domestic corporation which entered into a long-term block airtime agreement with Associated Broadcasting Company owned by Tonyboy Cojuangco.

* * *

ISA si Valerie Concepcion sa tumanggap ng bagong show sa TV5.

Pagbibidahan nila ni TJ Trinidad ang mini-series na Have Baby, Will Date, first episode ng Summit Chick Lit at mapapanood every Tuesday, 7 p. m.

Para raw itong Your Song ng ABS-CBN na every month ay may bagong episode.

Ayon kay Val, nagpaalam siya sa ABS-CBN, mother studio niya, nang ialok sa kanya ang bagong show ng TV5 at pinayagan naman daw siya.

Dahil one month lang ito, sinisigurado ni Val na hindi niya mapapabayaan ang hosting job sa Wowowee, pero wish niya na masundan pa ang offer sa kanya ng bagong nerwork.

Natutuwa ang young actress na may iba pa silang naiikutang istasyon bukod sa kani-kanilang home network, dahil it could mean na marami raw artista ang magkakaroon ng karagdagang trabaho.

* * *

SA launching pa rin ng TV5, pinagkaguluhan ng press si Jomari Yllana at hiningan ng pahayag sa isyung split na sila ni Pops Fernandez.

Ayon sa actor, walang katotohanan ang issue at hindi nila alam kung saan at paano nagsimula ang balita.

Nilinaw din ni Jom na hindi totoong may iba na siyang babae.

Nagniningning naman ang kaputian ng Shall We Dance host na si Lucy, na pagkaseksi-seksi ng suot sa kanyang dance number. Na-master na talaga niya ang pagsasayaw at puwede-puwede nang iluklok bilang Dancing Queen.

Kapansin-pansin lang na mas maraming talents ng ABS-CBN sa mga bagong programa ng TV5 kesa sa mga artista ng GMA-7, pero ayon sa CEO ng network na si Mr. Sy, welcome ang mga artista ng parehong giant networks.

* * *

SA kauna-unahang pagkakataon, haharap si KC Concepcion sa isang exclusive tell-all interview with the King of Talk Boy Abunda sa The Buzz ngayong Linggo.

Ito ang unang pagkakataong maggi-guest nang live si KC sa The Buzz at wala raw katangungang hindi sasagutin ang anak nina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, kaya feeling namin, baka magkaroon ng crying scene.

May exclusive interview din ang talk show sa ama ni KC na si Gabby at finally, magsasalita na raw ang aktor sa mga isyung hindi pa niya nasasagot before.

We just don't know kung live ang guesting ni Gabby at kung magkikita sila ni KC sa studio.

May live guesting si Comedy King Dolphy at Junior Comedy King Vic Sotto at ang kauna-unahang talk show guesting ni Lani Misalucha na dumating ng bansa kamakailan.

Ang mga bida ng A Very Special Love na sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo ay naroroon din para pasalamatan ang lahat ng tumangkilik sa movie nila.

Source: People's Tonight