|
|
| Ogie Alcasid and company have a blast in Disneyland, Hong Kong![]() Author: Rose Garcia Pagkatapos ng matagumpay na 20th anniversary concert ni Ogie Alcasid noong September 27 sa Araneta Coliseum ay pumunta siya sa Hong Kong noong Martes, September 30. Kasama ni Ogie na lumipad sa Hong Kong ang kasintahang si Regine Velasquez, ang dalawa niyang anak na sina Leila at Sarah, ang dating asawa na si Michelle van Eimeren, at ang boyfriend ni Michelle na si Mark Murrow. Nagpunta sila sa Hong Kong para makapagpahinga at ipasyal ang mga bata sa Disneyland. Nakausap ng Showbiz Central si Ogie sa break ng SOP kahapon, October 5. Hindi itinago ni Ogie ang kanyang kasiyahan sa naturang trip nila sa Hong Kong, lalo na sa Disneyland. Three days din daw silang nag-stay roon at umuwi sila last Friday, October 3. "Masarap! Masarap yung pakiramdam na kasama mo yung pamilya mo. Hindi mo maipagpapalit yun kahit saaan, kahit na ano. I am so happy!" bulalas ni Ogie. "Yung bunso ko kasi, si Sarah,"patuloy niya, "favorite niya si Minnie Mouse, e. Yung panganay [Leila] ko naman, last time siyang nag-Disneyland, siguro three years old pa siya kaya hindi na niya maalala. I really did it for my kids. Kasi they really want to see Disneyland. Bakas na bakas sa kanila ang kaligayahan. And I'm so happy when they are happy." Wala raw ilangan kahit kasama ni Ogie si Regine. "Si Regine naman, nagpupunta naman ng Australia 'yan. Magkakilala kaming lahat. Okey siya! Enjoy na enjoy siya. Alam n'yo, buong taon naman kaming puro trabaho rin, so yung week na yun, sabay-sabay na yun. Tumodo sa pahinga, kain. "Nakalimutan ko na rin kasi na mag-relax. So itong week na ito, natutunan ko ulit kung paano mag-relax. Kailangan pala yun. Siguro next year. Mas dadamihan ko na mag-relax para hindi tayo tumanda agad!" tawa niya. When it comes to his ex-wife Michelle's new love, si Mark, ang tanging masasabi lang daw ni Ogie ay, "Dapat lang na ipakilala ko rin sila. Parang out of respect na rin. Siyempre, kay Michelle at magpalasamat sa kanya. Siyempre sa Australia, very private people sila, 'tapos dito, alam n'yo na... "Sobrang nag-enjoy sila, e. Nagustuhan nila lahat ng pagkain dito--suman, adobo, tapa, bangus...lahat kinain nila. Ewan ko, nasa kanila naman yun. They are welcome to come here naman anytime." What about his relationship with Regine? Plano na ba niyang ilagay rin sa mas seryosong level ang relasyon nilang dalawa? "Well, hindi ko pa talaga puwedeng sagutin ang mga bagay na 'yan. Isa-isa muna. Basta masaya lang kami ngayon. Yun muna. Sa personal kong buhay, miracle yun. It's a miracle. Siyempre, ang Panginoon lang ang nag-aayos no'n at nagpapasalamat ako sa Kanya," saad ni Ogie. Source: Philippine Entertainment Portal |