|
|
| Ogie Alcasid 'di sigurado kung magpapakasal sila ni RegineAuthor: Noel Asiñas IPINAGTAPAT ni Ogie Alcasid sa presscon ng Desperadas 2 na pupunta siya Australia bago mag-Pasko para bisitahin ang dalawang anak na sila Leila at Sarah. Kapag pumupunta si Ogie sa Australia, tumutuloy ang comedian/singer sa bahay mismong ipinagawa niya para kay Mischelle van Eimerreen at dalawang anak. Dalawang bahay naman ang kanyang ipinagawa doon kaya maluwang siyang makapagpapahinga kapag nasa Queensland, Australia. Balitang dito rin naman magpa-Pasko si Ogie at ka-piling ang love niyang ni-yang si Regine Velasquez, na itinuturing niyang babaing mamahalin niya habang buhay. Ang panliligaw ni Ogie kay Regine ay nagsimula pa noong kabataan niya. Ikinuwento niya na si Regine ay niligawan niya noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz noon. "May photos pa nga akong pumupunta sa bahay ni Regine sa Bulacan. Nagsusubuan pa kami noon ng ice cream. Ewan ko ba kung bakit hindi natuloy iyon," say ni Ogie Napakasal siya kay Michelle, pero ngayong nagtagpo muli ang kanilang landas ni Regine via SOP show tuwing Sunday sa GMA7, na-rekindle ang pagmamahal niya kay Regine. "Noon desperate na akong ipagtapat sa publiko ang relasyon namin ni Regine," dagdag pa niya. Five years din tumagal ang relasyon nina Ogie at Regine bago parehong inamin ang kanilang pag-iibigan. So far ngayon, wala pa raw kasalang magaganap sa kanila ni Regine. Basta, ang mahalaga ay mahal na mahal nila ang isa't isa pa rin. Sa pelikulang Desperadas 2 na entry ng Regal at GMA Films sa forthcoming 2008 Metro Manila Film Festival ay suot0babae ang role ni Ogie. Half-sister siya nina Marian Rivera, Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto at Iza Calzado. Naging outstanding ang role ni Ogie sa movie na ipinakita sa trailer dahil nag-iisang comedian siya sa movie. Dapat ang role na ito ay para kay Eugene Domingo na nag-backout sa project. * * * SAMANTALA, ngayong Friday ay muling mapapanood si Ogie Alcasid bilang comedian. Si Ogie recipient ng Best Comedian award sa Star Awards for TV 2008 para sa Bubble Gang. Sa gag show muling mapapanood si Ogie bilang ang makulit na batang si Angelina. Yaya niya si Michael V na tuwing Friday ay sinusundan ang kanilang adventure. Guests this week sa BG sina Paolo Contis , Ateneo Blue Eagles, Jackie Woo at Kevin Santos. * * * HINDI pa natatapos ang taon, nakatanggap na ng award ang basketbolistang si Chris Tiu. Binigyan ng award last Saturday si Chris ng Nickoledeon Kids Awards bilang Athlete of the Year. Okay lang bigyan ng parangal si Chris Tiu, bukod sa pagiging team captain niya sa nagwaging koponan ng Ateneo Blue Eagles noong nakaraang UAAP sa basketball, consistent dean's lister pa siya sa Ateneo de Manila University. Talagang huwarang athlete siya. Anyway, TV host na si Chris ngayon. Siya'y may dalawang programa sa GMA7, ang Pinoy Records at Ripley's Believe It Or Not na mapapanood ng Monday night. * * * Mas bongga na talaga nga-yon ang TV5 dahil sampung dumadagundong na shows ang mapapanood gabi-gabi mula Lunes hanggang Bi-yernes, featuring the all-new second season titles na Hahahayop, Kiddie Kwela, Rescue Mission , Arekup! Video Zonkers, OMG, at Baikingu na nagsimula na sa pag-shake ng mga TV noong huling linggo ng Nobyembre. Pambungad sa linggo ang Hahahayop ni Eugene Domingo tuwing Lunes, su-sunod naman ang OMG!!!, ang "heightened reality TV" hosted by Iya Villania, na talagang mapapa-OMG ka sa mga ipapagawang challenge sa guest celebrities. Si Bayani Agbayani naman ang magpapatawa sa inyo tuwing Martes, kasama ang mga cute at makukulit na kids na bida sa Kiddie Kwela, back-to-back with the crazy Japanese game show Baikingu, hosted by Gabe Mercado, Brod Pete, at Richard del Rosario. Wednesday naman, mamangha at magulat sa mga kagila-gilalas na video clips ng Shock Attack, hosted by rockstar Teddy Corpuz. Gumulong naman sa kakatawa sa Ogags, hosted by Brazilian hottie Ariana Barouk,. Sa Thursday, samahan si TJ Trinidad sa Rescue Mission kung saan bibigyan niya tayo ng clips and tips kung paano makakaiwas sa mga natural disaster, kasunod naman ang Pulis! Pulis! ang police-documentary program. Mawindang sa iba't ibang klaseng clips na pala-bas sa Arekup! Video Zonkers tuwing Biyernes. Susundan naman ito ng Lokomoko, ang gag show hosted Alex Gonzaga, Randolf Stalamakey at Kim Gantioqui. Source: Taliba |