|
|
| Ogie Diaz nami-miss ng televiewers sa UKG, Rica walang K mag-host ng showbiz newsAuthor: Leo M. Bukas PINAGNAKAWAN ng hindi pa nakikilalang kawatan ang bahay ng actor/TV host na si Willie Revillame nitong Sabado ng gabi. Lunes ng madaling araw lang natuklasan ni Willie na pinasok ang bahay niya sa Corinthian Hills (Quezon City) nang makita niyang nakakalat ang kanyang mga gamit sa kuwarto. Ayon sa TV host, po-sibleng sa likod ng bahay dumaan ang magnanakaw o mga magnanakaw. Hindi rin napansin ng naiwang kasambahay ang nangyaring nakawan. âDalawa kasi ang kasama ko sa bahay. âYong isa, nagpaalam na magbabakasyon dahil Undas nga. Nagrelyebo sila kaya âyong isa pa ang naiwan sa bahay,â kuwento ng TV host. Ang ipinagtataka lang ni Willie, bakit alam ng mga magnanakaw kung saan nakalagay ang duplicate ng kanyang mga susi ng kotse, kuwarto at ng vault. âPangit naman kung magbibintang ako. Pero nagtataka lang talaga ako kung bakit alam nila kung saan nakalagay ang duplicate ng aking mga susi,â wika pa niya. Mga mamahaling alahas, relos na nagkakaha-laga ng P2 milyon ang na-kuha ng mga magnana-kaw sa bahay ni Willie. âKaya nga ako tu-mira sa ganito kamahal na lugar para alam ko na safe ako dahil may se-curity, pero bakit naka-lusot sila,â pahayag pa niya. Iniimbestigahan na ngayon kung may anggulo ng inside job sa nangyaring nakawan. * * * MARAMING nagte-text at nagtatanong sa amin kung bakit hindi na raw nila napapanood sa Uma-gang Kay Ganda si Ogie Diaz. âAng ta-gal naman noong segment ni Ogie. May sakit ba siya kaya hindi namin siya napapano-od,â tanong ng isang avid viewer ng UKG na nagbakasyon for a while kaya pansamantalang hindi nakapanood ng programa. Nang sabihin namin sa kanila na tsinugi na si Ogie sa show dahil sa is-yung may nilabag siya di-umano sa code of ethics ng pagiging broadcast journalist ng ABS-CBN, ay na-shock sila. âNanonood kami ng UKG because of Ogie. Nakaaaliw kasi ang segment niya. Nakawawala ng problema,â wika pa nila sa amin. âHindi na lang kami manonood ngayon ng UKG. Lilipat na lang kami sa Unang Hirit ng GMA-7. Wala na pala siya roân, eh,â dagdag pa nila. Bukod sa mga ito, marami pang televiewers ang nakaka-miss din sa segment ni Ogie sa UKG. Si Rica Peralejo ang nagbibigay ngayon ng showbiz news sa programa. Pero sad to say, hindi niya ito carry. Wala si-yang âKâ sa totoo lang. Ang UKG ang alarm clock namin tuwing umaga bago kami pumasok sa opisina ng Journal Group of Publications, pero dahil nawala na nga si Ogie sa show, hindi na kami nagbubukas ng TV kapag umaga. Source: Taliba |