|
|
| Ogie, Regine big winners sa 1st Star Awards for MusicAuthor: Beth Gelena MATAGUMPAY na nairaso ang 1st Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club last Thursday night sa Skydome, SM North, EDSA. Namahagi na rin ng awards ang PMPC sa lara-ngan ng musika dahil maraming mahuhusay na singers ang hindi nabibigyan ng attention para makilala sila nang husto. Thru 1st Star Awards for Music ng PMPC, siguradong makatutulong ito para maiangat ang industriya ng musika sa bansa. Hosts that night sina Toni Gonzaga at Billy Crawford at nakuha naman magdyo-wang Regine Velasquez at Ogie Alcasid ang top awards na Female and Male Recording Artists of the Year. Ang Apo Hiking Society ang tumanggap ng prestihiyosong Lifetime Achievement Award dahil sa mga makabuluhan at magagandang awitin nina Jim Paredes, Danny Ja-vier at Buboy Garo-villo. Tanging sina Jim at Danny lang ang nakarating para tanggapin ang tropeo. Ayon kay Dan-ny, hindi nakarating si Buboy dahil nagti-taping ng teleserye. Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo. Album of the Year -- Your Universe ni Rico Blanco; Song of the Year -- Ikaw ang Pangarap (themesong ng Lobo na ina-wit ni Martin Nie-vera); Duo/Group Artist of the Year -- MYMP; Music Video of the Year -- Pambansang Kamao ng D'Coy; Dan-ce Album of the Year -- Mocha; Pop Album of the Year -- Ikaw Na Nga ni Willie Revillame at composed ni Vehnee Saturno; Male and Female Pop Artist of the Year -- Jed Madela at Sarah Geronimo; Alternative Album of the Year -- Biyaya (Bayang Barrios); Tie ang Album of the Year nina Rachelle Ann Go na Falling in Love at Low Key ni Regine; nag-tie din bilang New Male Recording Artist sina Bugoy Drilon at Jmore, samantalang New Female Recording Artist si Maricris Garcia; Compilation Album of the Year ang Lovelife ni Boy Abunda at Acoustic Album of the Year ang Back to Basic ni Paolo Santos. Tie din bilang Acoustic Artist of the Year sina Aiza Seguerra at Sabrina; Rock Album of the Year -- Long Time Noisy (Kamikazee). Ang grupo rin ang nagwagi bilang Rock Artist of the Year. R&B Album of the Year ang Groove ni Billy at sa kanya rin napunta ang tropeo bilang R&B Artist. Nagbigay ng special award bilang Male and Female Star of the Night ang sponsor na White Flower at sina Myrus at Rachelle Ann ang nagwagi. Si Toni naman ang itinangal na Nesvita Beautiful Inside and Out. Nagpapasalamat ang PMPC sa mga tumangkilik ng kauna-unahan nilang awards for music. Ang producer ng natu-rang event ay ang National Press Club (NPC) at AFIMA (Alyansang Filipinong Mamamahayag) sa pangu-nguna nina NPC prexy Benny Antiporda at Jerry Yap, founder ng AFIMA. Sa lahat ng winners, our congratulations!!! Source: Taliba |