|
|
| Ogie, awang-awa sa kasamahang musicianAuthor: Nel Alejandrino MAY concert na gagawin on November 14 at the Araneta Coliseum ang asosasyon ng mga advocates ng Original Pilipino Music (OPM), na ang proceeds na malilikom, ayon kay Ogie Alcasid, ay mapupuntang lahat sa victims ng Typhoon Ondoy. Ito ay sa pangunguna daw ng isa sa mga original members ng organization, si Girlie Rodis. Napu-foresee daw kasi nila ni Girlie at ng iba pang OPM advocates, na matagalan ang tulong na kakailanganin ng mga biktima. Kasama na diyan ang rehabilitation process. Marami daw sa mga naging biktima have been left with nothing. Kaya, wika nga, they have to start from scratch all over again. He cited Mark Lopez, isa daw sa mga tumutulong sa kanya sa paglapat ng musika sa kanyang mga komposisyon. When he called him up recently for a meeting for a set of composition na kanyang ginawa, malumanay daw nitong sinabi: "Boss, nawala nang lahat ng gamit ko sa baha. " Iyon pala, resident si Mark ng Pasig City at ang subdivision where he and his family live ay isa sa most-hit areas. "Nawindang ang puso ko, maniwala kayo o hindi. How sad, 'di ba, na ang mga gamit mo sa iyong hanapbuhay ay nawala na lang nang parang ganu'n lang," ang malungkot na wika ni Ogie. In a talk we had with Regine Velasquez, Ogie's girlfriend, nang bisitahin namin si Aga Muhlach sa set ng movie na ginagawa niya with Regine, she said na balak nga daw ni Ogie na ibigay kay Mark ang kanyang laptop na ginagamit sa kanyang pag-compose ng mga awitin. Kumpleto daw ito ng lahat ng kailangan ni Mark. Regine, as we all know, on his birthday last month, gifted Ogie with the same kind of laptop. We had the chance na makausap si Ogie sa victory party for the box-office success of his still ipinalalabas pang movie with perennial partner Michael V. , Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie. It is doing very well at the tills, according to him, despite Typhoon Ondoy. Last Sunday nga lang daw, naka-gross ito ng P8. 8M. Isa daw din sa ipinagpapasalamat nila ay ang pangyayaring not one of the members of the Spoiled Brat cast was hurt. Kunsabagay, ayaw man aminin ni Ogie, ang lugar na tinitirahan nila ni Regine, ang Ayala Heights, ay nasa mataas na lugar ng Metro Manila. Even daw members of the entertainment press na sumu-support sa movie ay napag-alaman din nilang safe and sound. Yes, including daw the production team ng pelikula. Ito raw ang dahilan why sila ni Michael V, who was not able to attend the victory party for the success ng movie, ay aligaga ngayon sa pag-donate sa relief funds and at the same time pag-solicit ng tulong sa kanilang mga sponsors. * * * Tiyak na manghihinayang si Governor Vilma Santos dahil wala pa siya sa Pilipinas kahapon (Linggo) nu'ng magbukas ang Pinoy Big Brother Double Up">Pinoy Big Brother Double Up on ABS CBN. October 8 pa ang balik niya with the group of the movie In My Life, who include her fellow Star Cinema's managing director, Malou Santos and In My Life director Olive Lamasan, for its series of premieres in the U. S. and Canada. Governor Vi claims to be an avid follower of the PBB, since nagsimula ito four years ago. Sinusubaybayan niya lahat ng edition nito, mapa-teen, celebrity or main. Pati ang Pinoy Dream Academy ay pinanonood din niya. Kaya, familiar daw siya kung sinu-sino ang nanalo sa bawat edition. PBB Double Up takes over the slot ng binakante ng horror series, Florinda, which Maricel Soriano topbilled. Do we still have to remind you that, at one time, parehong known as Mrs. Edu Manzano sina Governor Vi at Maricel? Source: People's Tonight |