Mar 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Ogie naaksidente sa SOP

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

NAAKSIDENTE ang si-nger-comedian-composer na si Ogie Alcasid sa SOP nitong Sunday.

Nangyari ang aksidente sa production number ni Ogie with the Sex Bomb Dan-cers. Nasapak ang mukha ni Ogie ng member ng Sex Bomb Dancers. Napuruhan ang kanyang bibig kaya nag-dugo. Hindi na itinuloy ang pag-appear ni Ogie sa SOP nitong Sunday. Wala pang masabi ang staff ng SOP kung gaanong pinsala ang inabot ni Ogie dahil sa aksi-dente. Walang binanggit sa SOP tungkol sa aksidente kay Ogie. Pero, sinabi ni Janno Gibbs na may naka-takdang concert tour silang dalawang magkaibigan sa America ngayong Septembe titled Small Brothers con-cert tour.

* * *

LAGING itinatanong kay Michael V ng press kung okey lang bang maging crush siya ni Janina San Miguel. Nabanggit kasi ni Janina sa entertainment press na crush niya si Michael V at type niya itong maka-duet sa Celebrity Duets 3. Ang naisasagot lang ni Michael V sa press people: "Kinakabahan ako. Basta, wala akong masabi. "

Tampok sina Ogie at Michael V sa pelikula ng GMA Films/ ATP titled Ya-ya And Angelina: The Spoiled Brat Movie na mapapanood sa Sept. 23. * * *

NAG-LAST taping day na ang Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin.

Timing dahil ang isa sa mga pangunahing bida ritong si Glaiza de Castro ay nagti-taping na rin para sa bago ni-yang kontrabida assignment sa Stairway to Heaven as Eunice. Bida sa soap ang ba-gong mag-love team na sina Dingdong Dantes at Rhian Ramos.

Dahil lagare pa si Glaiza sa dalawang tapings -- Subic at Batangas -- halos wala si-yang tulog. Balita namin, humina ang kanyang kata-wan at muntik nang magka-sakit nang malubha. Ma-buti na lang at naagapan. Ka-ya ang ginagawa ngayon ni Glaiza, kahit sa kanyang sa-sakyan, natutulog siya. At kung saan-saang dinadaa-nang maliliit na hotel sa pagpunta sa tapings sa Subic at Batangas siya nakikipaligo. * * *

HINDI raw umaayaw si Chris Tiu sa soap guestings niya sa TV. Sadya lang daw walang oras ang basketbo-lista /TV host ng GMA7 sa dalawang programang Pinoy Records at Ripley's Believe It Or Not na mapapanood ngayong Monday night pagkatapos ng telebabad sa GMA.

Ngayong Monday, aba-ngan sa Ripley' s ang naka-gigilalas na mga istorya.

* * *

PUMAPALO na ang ra-tings ng Adik Sa 'Yo sa ma-higit 32 percent.

Kasi, habang papatapos na ang soap, mas lalong ka-abang-abang panoorin. Imagine, ang dating mayaman ay lalong naghirap nga-yon. At ang inapi-api ay yu-maman nang husto. May ka-salang magaganap sa ending ng soap. Magkatuluyan ka-ya ang love team na Dennis Trillo-Jennica Garcia, at tambalang Jolina Magda-ngal-Marvin Agustin.

Source: Taliba