Dec 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Okay kay Maja kahit 'di bida basta may kita

Nakakatatlong proyekto nang magkasama sina Maja Salvador at Jay-R Siaboc dahil sa Kapitan Boom na nagtatampok kay Jon Avila sa title role. At bago isipin ng mga tagasubaybay nila na nakalalamang na itong si Jay-R kay Maja kaysa kina Jason Abalos at Ray...

 

Okay kay Maja kahit 'di bida basta may kita

Column: Sanga-sangandila
Author: Veronica R. Samio

Nakakatatlong proyekto nang magkasama sina Maja Salvador at Jay-R Siaboc dahil sa Kapitan Boom na nagtatampok kay Jon Avila sa title role. At bago isipin ng mga tagasubaybay nila na nakalalamang na itong si Jay-R kay Maja kaysa kina Jason Abalos at Rayver Cruz, pinangunahan na ito ng batang aktres sa pamamagitan ng pagsasabing "pang-pelikula lang sila. "

Love takes a backseat kay Maja na ang priority ay ang kaniyang trabaho. Mas maraming trabaho, mas malaking kita. "Kahit hindi bida, basta may kita" seems to be the motto of one of showbiz's loveliest faces. Paborito itong kunin ng Maalaala Mo Kaya na kung saan ay pawang mature roles ang ibinibigay sa kanya. Tulad nung isang psychological thriller na ginawa niya na ayaw niya sanang gawin dahil tatlong beses siyang mari-rape ng tatlong lalaki, at pagkatapos nito ay magiging agresibo na siya sa sex at manghahalik ng mga lalaki, pero ipinilit ni Ms. Malou Santos na gawin niya dahil makatutulong daw sa career niya. Pumayag siya pero ipinakiusap kay direktor Jeffrey Jetturian na dayain na lamang ang ibang eksena niya.

Si Maja si Melody, isang commercial model na love interest ni Lance, ang character ni Jay-R, ang alter ego at normal version ni Kapitan Boom. Ang boses din niya ang gagamitin sa unang mga linggo ng paglabas ni Kapitan Boom.

"Nakakatuwa nga si Kapitan Boom, super hero at guwapung-guwapo pero Bisaya at palaging palpak," ani Maja.

Hindi pa alam ni Maja kung magka­karo'n sila ng kissing scene ni Jay-R. Sa kanyang career, hindi pa rin siya naha­halikan sa screen nina Jason at Rayver. Ta­nging si John Lloyd Cruz pa la­mang ang nakakahalik sa kanya.

Palabas na ang Kapitan Boom sa Abril 26 with contro­versial Brazilian model Ma­ria­na del Rillo, Gloria Se­villa at William Lorenzo.

* * *

May ginaganap paligsahan sa Ali­wan Fiesta na itinataguyod ng Manila Broadcasting Company. Ito ang Reyna ng Aliwan na mayro'ng 24 na mga nag­gagan­da­hang kalahok. Tulad nina Carla Marie Trinidad na mula sa Pakalog Festival ng Pasig, Rodalyn Bagtas ng Pangisdaan Festival ng Navotas, Venice Gabriella mula sa Lakbayaw Festival ng Tondo, Kim Ross de los Santos mula sa Sta. Clara Festival ng Pasay at Marie Antoinette Marcelo mula sa Pahutan Festival ng Caloocan City.

Meron ding kinatawan ang mga iba't ibang lala­wigan, tulad nina Karla Cristina Garcia ng Hagonoy, Jean Allen Cachero ng Panagbenga Festival ng Baguio, Grazel Yog-a ng Lang-ay Festival ng Mountain Province, Krissel Joy Garduque mula sa Pamulinawen Festival ng Laoag, Danica Alejo mula sa Gakit Festival ng Isabela, Hazel Natividad para sa Boling Boling Festival ng Catanauwan, Quezon, Rochelle Ontengco ng Peñafrancia Voyadores at Pilgrims Festival ng Naga, Ciarra Joyce Augustine Buot, pambato ng Sinulog, Ann Rose Neri mula sa Sanddurot Festival ng Dumaguete, Vena Supena Ardales ng Dinagyang Festival, Iloilo, Chriscember Joy ng Pasayaw Festival, Canlaon City, Jan Chiara Mae Tenorio, Buyugan Festival, Leyte, Cherry Mae Castillo, Alikaraw Festival, Crizamille Laureen Pacan, Bakawan Festival, Zamboanga, Zarah Mae Lim, Shariff Kabunsuan Festival, Cotabato, Lami-Lamihan Festival, Jaquilyn Antonio Mclintock,   Basilan, Clover Esteban, Kalilangan Festival, Maguindanao, Laar­nie Kate Yu, Pakalagyan Festival, Shariff Kabunsuan.

P100,000 ang mapapanalunan ng mananalo at meron pang tropeo.

* * *

Klinaro ni direk Wenn Deramas na wala silang away ni Eugene Domingo, paborito niyang artista at hindi nawawala sa lahat niyang proyekto maliban na lamang sa ginawa niyang Sineserye Presents: The Susan Roces Cinema Collection na ang tampok ngayon ay ang Maligno.

"Patung-patong ang sked ni Oge (Eugene), hindi ko mahintay kaya pinalitan siya ni Arlene Tolibas. Alam ni Arlene na originally kay Oge ang role bago napunta sa kanya," paliwanag ni direk Wenn.

Ang Maligno na nagbigay ng Best Actress award kay Ms. Susan Roces 30 years ago ay ginagampanan ngayon ni Claudine Barretto. Ayaw gampanan ni Claudine ang role noong una dahil sa maselang topic nito, tungkol sa isang babaeng itinadhanang magsilang ng anak ng demonyo. Humingi pa siya ng payo sa kaniyang pastor na nagsabing hindi ito makakaapekto sa malakas niyang pananampalataya. Bago sila magsimulang mag-taping ay nagdarasal muna silang lahat.

Gumaganap nang role ng demonyo si Rafael Rosell na mas lalo pang gumagaling na aktor habang tumatagal, kasama rin sina Diether Ocampo, Kim Chiu, Gerald Anderson, DJ Durano, Empoy, Rio Locsin at ipinakikilala ang batang si Carlo Locana.

Impressed si Ms. Susan Roces sa napanood niyang preview ng kanyang dating movie. Dahilan dito ay muli itong nagpa-raffle sa press matapos ang preview ng Maligno. Tatlo ang nanalo ng P1,000, P6,000  at P8,000. Second time na niya itong ginagawa. Nung ipa-preview rin ang Patayin sa Sindak si Barbara ay nagpa-raffle din ito ng dalawang tig-Pl6,800, dahil favorite numbers niya ang 168 at isa ako sa dalawang nanalo.

* * *

E-mail:  veronicasamio@yahoo. com

Source: The Philippine Star