|
|
| Okay na ang ilong, ang height naman niya ang reremedyuhan ni Jonalyn!![]() Author: Veronica R. Samio Gusto ni Jonalyn Viray na tumangkad pa kaya panay ang inom niya ng Cherifer, isang bitamina na nagpapatangkad tulad ng nangyayari kay CJ Muere na mabilis daw ang paglaki dahilan sa araw-araw na pag-inom nito. Kapag tumangkad si Jonalyn ay wala na siyang mahihiling pa. Her career is going great. Gayong bago pa rin siyang maituturing, iginawa agad siya ng GMA Records ng isang album, "On My Own" na bagaman at maraming cover versions – "It Might Be You", "Run To You", "Get Here"– mayro’n ding originals na kahit may nauna nang kumanta ay hindi pa rin nalalayo ang version ng Pinoy Pop Superstar, "Di Na Nag-iisa", theme song ng Darna na nauna nang kinanta ni Regine Velasquez. May music video na kasama ang album ng carrier single niyang "Close To Where You Are" na dinirek ni Louie Ignacio. * * * Isang malaking bonus sa celebration ng 52nd birthday ni Wilson Tieng, big boss ng Solar Films, ang sorpresang mini concert ng The Cascades, na mapapanood sa Araneta Coliseum sa Set. 9 at Set. 10 (Manila Hotel).Limang well-loved songs ang ipinarinig ng grupo na bagaman at maputi na ang mga buhok ay hindi pa rin nagbabago ang ganda ng boses. Enjoy ang audience na kinabibilangan nina MMDA Chairman Bayani Fernando, Atty. Esperidion Laxa, producer Manny Nuqui, Angelica Jones at Lovi Poe. Dumating din daw sina Senador Alfredo Lim at Luke Mejares pero di ko inabot dahil nilangoy pa ng bulok na sasakyan ko ang napakalaking baha sa Makati. Milagro na lang na di kami tumirik. Enjoy ako at naka-relate sa bandang tumugtog na regular pala sa Hard Rock Cafe kapag araw ng Lunes. Binubuo ito ng mga kilalang musikero gaya nina Eddie Katindig, Emy Munji, Romy Posadas, Roger Herrera, Jay Cayuga at ang drummer at singer na di ko nakuha ang mga pangalan. Forte nilang kantahin yung mga kinalakihan kong musika nung 60s at 70s. Ang galing nila, lalo na yung soloista pero di ko nagustuhan yung ginawa niyang panghihingi ng tip sa mga nagre-request ng kanta. Okay ito kina Allan K at Norman Mitchel pero, hindi sa tulad nilang pormal sa kanilang Amerikana. Di ko rin nagustuhan yung parang kawalan nila ng respeto kay Chairman Fernando na okay lang makipag-kantahan sa kanila pero sana wala na yung mga kakengkoyan na pinayagan niyang gawin sa kanya. Ganito rin marahil ang pinayagan niyang gawin sa kanya ng isang sexy star kaya siya nalagay sa alanganin kamakailan lamang. Gusto lang siguro ni Chairman na hindi magmukhang killjoy pero, siya pa rin ang napintasan ng husto. Anyway, happy birthday kay G. Wilson Tieng na isa sa mga taga-showbiz na minamahal ng marami. * * * Hindi lang ang pagho-host ng Mobile Kusina sa GMA ang pinagkakaabalahan ni Christine Jacob. Matapos ang maikling biyahe sa abroad kasama ang asawang si Paco Sandejas, pormal na bubuksan niya ang tile art exhibit ni Bart Aguas na Glaze ‘n Craze sa pamamagitan nang paggupit ng ribbon sa opening ng exhibit sa Sabado, Set. 10 sa Nicotina Garden Pavilion.Nakatakda rin siyang mag-host ng ng Catholic Mass Media Awards (CCMM) sa Oktubre 24 na mapapanood sa IBC 13. Gagawa rin siya ng isang komersyal na eksklusibo para sa GMA 7 at print ad ng nasabing produkto. * * * E-mail: veronica@philstar.net.phSource: Pilipino Star Ngayon |