Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

On The Buzz' Tough Ten: Karylle refuses to answer if Marian Rivera is pregnant or not

On The Buzz' Tough Ten: Karylle refuses to answer if Marian Rivera is pregnant or not

Author: Bernie Franco

Isang makahulugang ngiti ang isinagot ni Karylle sa Question number 1 ng Tough Ten portion ng The Buzz kagabi, Disyembre 14, nang tanungin siya ng host na si Boy Abunda kung may nalalaman ba siya sa mga naglalabasang balita na diumano'y buntis si Marian Rivera. Itinanong ito kay Karylle, dahil wika nga ni Boy, damay siya sa diumano'y pagkakaroon ng relayson ng kanyang dating boyfriend na si Dingdong Dantes kay Marian. Hanggang ngayon kasi ay maalingawngaw pa rin ang chismis na si Marian ang dahilan ng breakup nina Karylle at Dingdong. Sa buong interview ni Karylle, kapansin-pansing ingat na ingat sa pagsasalita ang dalaga sa tuwing mapapadako ang usapan kay Marian. Itinanggi rin ni Karylle na kinumpronta niya sa isang show si Marian at tinanong kung may relasyon nga ba ang aktres kay Dingdong. Nilinaw niya na minsan lang sila nagkausap ni Marian at ito ay ang mga panahong hindi pa lumalabas ang mga usapan tungkol sa kanila ni Dingdong. Ayon rin kay Karylle, hindi niya tinawagan si Marian nang pumutok na ang mga balita tungkol sa kanila ng kanyang ex-boyfriend. "There was no need to call her because it was between me and Dingdong. I cannot confront other people, that's not me," paglilinaw ni Karylle. Hindi rin masagot ni Karylle ng diretso kung may gusto si Dingdong kay Marian nang mag-on pa sila ng aktor. "Hindi ko alam. Hindi ko naman siya masyadong kakilala para malaman ang ganyang bagay. I really don't know. It's up to the people to decide. Hindi ko na iniisip ang mga ganyang bagay," sagot ni Karylle. "I never really got the chance to really know her." Itinanggi pa ni Karylle na hinamon niya si Dingdong na kapag hinalikan niya si Marian na kanilang birthday concert ay makikipaghiwalay siya. "It's not true. But I asked him if it was possible (not) to do that.But I wouldn't dare," paliwanag niya. Hindi raw niya maalala ang sinagot sa kanya ng noo'y boyfriend niya."At ang sa akin when it's work, it's work. But you know, maybe you can make a simple request like that. After all it wasn't naman like they were acting on stage it wasn't a soap (opera). It was a concert. For me, it should have been different." Hinalikan pa rin umano ni Dingdong si Marian subalit naging apologetic naman daw ito kay Karylle. Say na rin ni Karylle sa kanyang paniniwala ay naging tapat si Dingdong sa kanya sa kanilang tatlong taong pagsasama. Pinaniwalaan din umano niya ang aktor nang sinabi nito sa kanya na wala silang relasyon ni Marian. If given the chance to ask Dingdong kung ano nga bang meron sila ng kanyang leading lady, mariin na sinabi ni Karylle na wala na siyang pakialam dito. "I don't need to know it anymore." Dagdag pa ng singer/actress na she knew in her heart when it was really over. "When there was a point na nagigising ako in the middle of the night tapos (realizations). sabi ko, "Ano ba 'yon... Basta." Ibinahagi rin ni Karylle na maraming beses ding nag-krus ang landas nila ni Dingdong nang maganap ang Manny Pacquiao-Oscar dela Hoya bout kamakailan. Hindi naman daw umano siya nakaramdaman ng galit o sama ng loob. "Natatawa lang that I kept bumping into him so many times, parang of all the places. Ang layo-layo mo na nga sa Manila, tapos bawat tingin mo andyan siya," kuwento ng dalaga. Kinlaro rin ni Karylle ang isyu kung may kinalaman ang paghihiwalay nila ni Dingdong sa paglipat niya sa Kapamilya network. "I was explaining recently kasi I'm under new management, STAGES. At the time that everything was happening, you know how your emotions are: too extreme and you're not supposed to make decisions. It's either you're too happy or you're too sad. Parang don't make major decisions in your life. 'Yung career ko pinaubaya ko na lang sa kanila and I trust them naman with the business side."
Lumabas naman kaagad ang resulta ng desisyon ng STAGES na ilipat si Karylle ng home network. Dumami ang projects ni Karylle tulad ng pag-eendorse niya ng Bench Body kung saan ay model din si Dingdong. Mayroon din siyang deal sa Swatch at mayroon na rin siyang panibagong record deal.

Source: ABS-CBN Interactive