Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

On pre-marital sex...Ayokong magsalita ng tapos -- Shaina

Author: Mercy Lejarde
Column: Tell & Tell

SI Shaina Magdayao ang bidang super hero sa Komiks Presents Mars Ravelo's Dragonna na ipalalabas na sa ABS-CBN sa December 13, kapalit ng Tiny Tony ni John Prats.

Natanong namin si Shaina kung pabor ba siya sa pre-marital sex or gusto ba niyang magka-baby muna bago ikasal?

"Hindi naman po ako perpekto, tao lang naman po ako. Ayoko pong magsalita ng tapos. Hindi naman po natin alam kung ano ang mangyayari, pero siyempre ang dream ko at ang goal ko is ahhhmm, ikasal naman po muna bago ako magkaroon ng anak. Para maging maayos po lahat, di ba? " sey ng Shaina.

O, ayan, maliwanag yan John Pratts, ha! Coming mismo sa iyong labs of your life, tsuk!

* * *

Si Bayani Agbayani na isa rin sa cast ng Dragonna ay nanghihinayang naman dahil hindi niya personal na napanood ang laban ng kanyang kaibigang si Pacquiao kay De La Hoya. Gayunpaman, masayang-masaya siya pagkapanalo ng kaibigan.

"Pero tinawagan niya ako before the fight, mga 5 a. m. , hinahanap ako. Eh, hindi ko naman nasagot kasi 5a. m. nga 'yon kaya tulog pa ako.

"Tapos na-kita ko 'yung tawag sa cellphone ko kaya tinext ko na lang siya at nag-textbak naman. Ayun, nakakatuwa. kasi ang daming problema ng mga Pilipino, ang daming problema sa bansa natin pero kahit paano nu'ng Linggo, nu'ng laban niya parang nawala ang mga problema natin.

"'Di ba walang trapik. Walang krimen. Zero crime kasi kahit yung mga snatcher nanonood sa laban niya. Masarap maranasan na kahit na tatlong oras, eh, tahimik yung bansa natin.

"Lahat tayo masaya, nagkukuwentuhan at nag-bubunyi sa pagkapanalo ni Pacquio, " added na ku-wento pa ni Bayani.

* * *

Pero kung marami ang nagsasaya sa pagkapanalo ni Pacman ay marami rin ang nalulungkot sa sudden death of the Starstruck Ultimate Survivor na si Marky Cielo.

Overheard na nakikipagkuwentuhan si Mommy Carol sa isang kaibigan niya na ang anak ay nakasabay daw ng yumaong batang aktor na si Marky Cielo na naglalaro ng games sa 168 computer shop na kasama ang ilan sa miyembro ng Starstruck last Saturday night.

Nu'ng una raw ay masaya pa itong naglalaro hanggang sa may tumawag daw sa cellphone nito. Pagkatapos daw nitong makipag-usap sa tumawag ay nakita na lang daw nilang umiiyak si Marky.

'Yon ang kuwentong aming narinig. Ang daming espekulasyon na kumakalat tungkol sa biglaang pagkamatay ng binata.

Gayunpaman, wala na tayong magagawa kundi ipagdasal na lang ang kanyang kaluluwa saan man siya naroroon ngayon.

* * *

Meanwhile, sa day 3 ng Gagambino this week ay hindi makapaniwala si Celine na halimaw ang Mommy niya na si Abresia. Makikita ni Bino na

Puno ng dugo si Lucy. Pinapasundo ni Abresia ang liga ng insekta. Susulong mag-isa si Bino. Magagalit si Leah kay Bino. Sisisihin niya ito sa pagkamatay ng ina.

Source: People's Tonight