Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Osang, ikakasal sa abogado

Author: Ian F. Farinas
Column: Big News

"I'M getting married. " Ito ang pinakabonggang pahayag na binitawan ni Rosanna Roces sa presscon kahapon ng indie movie niyang Wanted: Border, isa sa limang finalists sa Cinema One Originals Festival na nakatakdang ganapin mula November 13 hanggang 17 sa Gateway Cinema.

Isang abogado na may initials na "R. B. " ang lalaking pakakasalan ni Osang, tubong-Malolos, Bulacan, 40 years old, tall, dark, handsome raw at binatang-binata.

"Ang pogi sa buhay ko ay iisa lang," sey ng dating sexy star. Botong-boto raw ang mga anak niyang sina Grace at Onyok sa bagong BF.

July this year lang nagkakilala sina Osang at "R. B. " Ipinakilala sila sa isa't isa ng common friend na basketball player, na nag-arrange ng blind date.

Hindi raw niya nasipot ang unang blind date dahil may shooting, pero sa ikalawang pagkakataon, na-love at first sight ang kinikilig-kilig pang aktres.

"First time akong nakatagpo na hindi ako pangalawa, pangatlo, pang-apat. Saka, pinadaan ko rin sa mga trial, eh, pinaglaban niya ang pagmamahal niya sa akin, so. .. "

Kelan naman ang kasalan, may target date na ba sila? tanong ng press.

"'Pag lumabas na ang desisyon sa annulment ng kasal namin ni Tito (Molina, her ex-hubby). "It was a bigamous marriage, kasal siya sa iba bago ako, so, declaration (of nullity) na lang ang kailangan," ani Osang.

Malamang daw sa hindi, sa 2010 ito maganap, maaaring bago siya mag-birthday sa Mayo.

"Ayaw ko naman ng June bride. Depende sa panahon, baka mamaya, bumabagyo," salo nito.

Ang nagustuhan daw niya kay "R. B. " ay ang pagiging mapagmahal sa ina. Pati raw ang mga anak niya, botong-boto rito at "Tito" ang tawag sa magiging amain.

"Siyempre, kung papalitan ko ang ex ko, dapat better, 'di ba? Na-meet na niya ang kuya kong pastor, nanay ko, lalo na.

"Pero he doesn't stay in the house. Napaka-prinsipyadong tao. Kahit sabihin mong 'dito ka na matulog,' ayaw niya, alam mo 'yon? May pride, eh. Hindi siya kaladkarin.

"Siguro nga because of the pinag-aralan, urbanidad. Minsan hindi mo kasi naituturo 'yung modo, eh. "

Hangga't maaari, ayaw niyang ibigay ang pangalan ng kasintahan, dahil pinangangalagaan ang pagiging pribado nito.

Dati raw kasi, idol ang tawag dito ng mga kaopisina niya. Pero nu'ng maging sila ni Osang, "Osang" na ang bansag dito.

Wish din ng aktres na magkaroon sila ng anak ni "R. B. " Wala pa raw kasi siyang anak na borne out of love talaga. Si Grace, 16 lang siya nang mabuntis dala ng kainosentehan. Nasundan daw ng katangahan at lumabas si Onyok.

"Ito na sana, ayaw ko nang mag-try ng iba. Nakakapagod, alam mo 'yon? Parang trial and error na lang parati, in the end, wala rin. "I'm hoping na ito na ang makakasama ko nang matagal. 'Di kasi ako naniniwala sa forever, 'yun lang magtagal," dasal pa ni Osang.

* * *

MABILIS na kumalat kamakalawa ang balitang tsinugi ng GMA Network ang manager ni Dingdong Dantes na si Perry Lansigan dahil umano sa conflict of interest.

Si Perry kasi ang dating executive producer ng SOP.

Pero kahapon, mabilis itong nilinaw ni Wilma Galvante, SVP for Entertainment ng GMA-7, sa pamamagitan ng official statement na ine-mail sa press.

Ani Wilma: "Perry Lansigan RESIGNED from SOP to fully concentrate as president and CEO of PPL Entertainment, Inc. , a production and talent management company which he formally established in September.

"He could not tender his resignation sooner because he waited until I returned from my official trip to Cannes. "For the record, Perry has been with GMA as a talent production staff for 18 years. He has been with SOP for 13 years and in all these years, Perry has only shown professionalism and competency in his work. "With Perry's creativity, discipline and management savvy, it is inevitable that he would want to grow and expand his boundaries and eventually be a major player in this industry. No one can deny him that. "GMA is grateful for the service and loyalty of Perry and will continue to support him, his projects and most especially his roster of talents who are under exclusive contracts with the Network. "

Maliban kay Dingdong, si Perry din ang manager nina Geoff at Gabby Eigenmann, Arthur Solinap, Wendell Ramos, atbp.

Source: People's Tonight