Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Osang, pasok sa 'PBB Celebrity Edition'

Author: Gerry Ocampo
Column: Hot Shots

HINDI kaya mag-back-out ni Alessandra de Rossi kapag nalaman niyang kasama si Rhian Ramos sa RRRampa for a Cause fund-raising event ng magkakapatid na Ruffa, Richard at Raymond Gutierrez sa September 16 sa Rockwell Tent?

Sa presscon kasi ng Pasan Ko ang Daigdig, very vocal si Alex sa pagsasabing ayaw niyang makasama sa kahit na anong happening si Rhian.

Sabi ni Raymond sa presscon ng RRRampa nu'ng isang araw, kumpirmadong dadalo sina Alex at Assunta de Rossi sa fashion show na gagawin sa gabi ng Sept. 16.

Dumalo si Rhian sa presscon at pinagdiinang kusa niyang ipinisinta ang sarili sa project ng Gutierrez family para makatulong sa mga nangangailangan.

Mag-isnaban kaya ang dalawa?

Ang isa pang tanong, since pinalitan ni Angel Locsin sa line-up si Valerie Concepcion, na may taping daw sa araw na 'yon, kunan kaya ng video ng Siyete ang appearance ni Angel sa RRRampa?

Abangan...

* * *

DAPAT siguro'y gisingin si Rosanna Roces sa panaginip nitong maibabalik pa ang tinamasang kasikatan nu'ng hindi pa sila nag-aaway ni Manay Lolit Solis.

Akala yata ni Osang, nu'ng magkaroon ng soap sa Dos ay muling babangon ang showbiz career niya.

Pero, hindi nangyari, dahil one of those lang ang role niya't pinatay pa agad ang naturang karakter.

Ngayon naman, balitang isa siya sa mga nakapasok sa PBB Celebrity Edition. Akala siguro niya, kapag nanalo siya'y babalik ang ningning ng showbiz career.

Tanggapin na lang ni Osang na tapos na ang panahon niya. Hanggang character roles na lang ang puwedeng ibigay sa kanya ng ABS-CBN.

* * *

PANGUNGUNAHAN ni Billy Crawford ang hatawan sa SOP ngayong Linggo. Lahat din ng champion sa kantahan ay darating para makisaya sa buong barkada.

Darating din ang cast ng bagong drama series na Pasan Ko ang Daigdig, sa pangunguna nina Yasmien Kurdi at JC de Vera, at makiki-party din ang natitirang singing sensations ng Celebrity Duets.

Magkakaroon din ng birthday celebration sina Patrick Garcia at Iwa Motto.

Source: People's Tonight