|
|
| Out of school youth, babawasanAuthor: Jojo Gabinete Mababawasan ang bilang ng mga out of school youth sa susunod na taon matapos pasinayaan ang bagong school building na magbibigay ng libreng elementarya sa Francisco Balagtas Elementary School sa Sta. Cruz, Maynila. Ito ang tiniyak ni Manila Mayor Alfredo Lim dahil ang bagong school building ay may 12 classrooms kung saan ang apat dito ay ilalaan sa mga kindergarten pupils. Bawat kindergarten classrooms ay mayroong mga palikuran at lababo. Ang 3-storey school building ay maaaring makapag-accommodate ng 3,000 estudyante na magsisilbi ding modelo ng iba pang mga paaralan na kailangan nang ipaayos. Ang bagong tayong paaralan, ayon pa sa alkalde ay unang bahagi lamang ng three-phase project na naglalayong mabigyan ng maayos na edukasyon ang mga mahihirap na estudyante sa Maynila. Source: Abante |