|
|
| Oyo Boy boto kay Jericho para kay KristineAuthor: Tonee Coraza Alas-nuwebe na ng gabi nakarating si Richard Gutierrez sa premiere night ng Patient X sa SM Manila last Sunday dahil nanggaling pa siya sa taping ng Full House. Pero sulit naman ang pag-hihintay ng kanyang fans dahil kasama niyang dumating ang napaka-seksing si Cristine Reyes na halos lumuwa na ang boobs sa suot nitong makintab na blue dress kung saan may malalaking butas ito sa magkabilang tagiliran. Lumobo ang mga mata ng mga kalalakihan habang tinitingnan nila kung may suot bang panty si Cristine o wala. Dumating si Ara Mina pati na ang mommy nila at iba pang mga kapatid para suportahan si Cristine. Full force rin ang pamil-ya Gutierrez sa pangunguna nina Tita Annabelle at Tito Eddie, Ruffa, Raymond, Elvis, Rocky na kasama rin sa cast ng movie. Apir rin sina Miriam Quiambao, TJ Trinidad, Paulo Avelino at Jhake Vargas na nasa cast din ng pelikula. May ilang mga bata na hindi pinapasok sa premiere night kasi PG-13 ang nakuhang rating ng pelikula sa MTRCB dahil sa nakakatakot na tema nito tungkol sa mga aswang. Ipinakita kasi dito ni Di-rek Yam Laranas kung paano pumatay ang mga aswang at sa sobrang gory nito ay very Hollywoodish ang dating. Kung paano napatay ni Richard ang hukbo ng mga aswang na ito ang dapat abangan ng viewers. Perfect Halloween movie talaga ito na showing na bukas! * * * Dahil nga sa premiere night ng Patient X kaya hindi na nakarating pa si Richard Gutierrez sa fashion week presentation ng Bench na ginawa sa MOA noong Sunday din ng gabi. Kapansin-pansin na "inisnab" din ng malalaking celebrity endorsers ng Bench ang affair tulad nina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Sarah Geronimo, Karylle at Christian Bautista. Malamang may mga previous commitments ding natanguan ang mga ito kaya hindi sila nakapunta. Pero hindi rin tumigil ang sigawan sa MOA kasi nga rumampa naman ang iba pang sikat na celebrity endorsers ng Bench tulad nina Dingdong Dantes, Jake Cuenca, Gerald Anderson, Kim Chiu, Aljur Abrenica, Kris Bernal, JC de Vera Enchong Dee, EJ Falcon, Richard Gomez, Lucy Torres at marami pang iba. Nagulat kami dahil ang lakas ng tilian nang lumabas si Coco Martin. Mukhang made na rin si Coco ngayon. Natawa naman ang mga tao nang biglang bumulaga ng stage si Elizabeth Ramsey na Bench endorser na rin pala. Ang highlight ng show ay ang pagdo-donate ng Bench, Human at Kashieca ng P1M sa Red Cross para makatulong sa mga naging biktima ng bagyong Ondoy at Pe-peng. * * * Going strong pa rin ang Midnight DJ ni Oyo Sotto sa TV5 na napapanood tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Talentadong Pinoy. Nasa fifth season na ito at may special Halloween episode sila sa Oct. 31 na Trahedya de Boda kung saan ang nakakasuot ng antique na bridal gown ay namamatay. Special guests sina Michelle Madrigal at Jon Avila bilang mga bagong kasal. Mukhang okay namang mag-guest ang mga alaga ni Tita Annabelle Rama sa TV5 kahit may standing order ang GMA na bawal lumabas ang GMA artists sa TV5. Kasi hindi naman sila under GMA Artist Center kaya nga pati si Eugene Domingo ay may regular show pa rin na Hahahayop sa TV5 hanggang ngayon. Speaking of Oyo, going strong din ang relasyon nila ni Kristine Hermoso hanggang ngayon. Itinanggi niya na nagseselos siya kay Jericho Rosales. In fact, sa lahat daw ng naging ka-loveteam ni Kristine ay kay Echo siya boto! Source: Taliba |