|
|
| Oyo deny-to-death pa rin kay KristineAuthor: Leo M. Bukas MAGKASABAY dumating sina Oyo Boy at Kristine Hermosa sa Head and Shoulder event sa Makati nung Wednesday evening. Pinagkaguluhan kaagad ang dalawa ng mga TV crew na nando'n sa naturang affair. Sa interbyu ng ilang mga kasamahan namin, consistent si Oyo sa pagtanggi tungkol sa relasyon nila ni Kristine. Ang walang kamatayang "friends lang po kami" ang palagi niyang sagot kapag tinatanong kung ano na ang status ng relasyon nilang dalawa ng aktres. Hindi rin daw siya nanliligaw sa dalaga, pero ang nakakaloka, inamin niya na hindi niya isinasara ang posibilidad na maging sila ni Kristine o ma-in love siya sa ex-girlfriend ni Diether Ocampo. Samantala, kasama rin nina Oyo at Kristine na dumating sa Head and Shoulder event na 'yon ang mga co-star nila sa Prinsesa ng Banyera na sina TJ Trinidad, Angelica dela Cruz at Rafael Rosell. Ang Prinsesa ng Banyera ay napapanood tuwing weekdays sa ABS-CBN pagkatapos ng Wowowee. * * * PARANG nawawala na ng partisipasyon si Jericho Rosales sa Pangarap Na Bituin. Naka-focus na ang istorya ng teleserye sa Jewel Sisters na binubuo nina Maja Salvador, Rica Peralejo at Sarah Geronimo. Sa huling eksenang napanood namin, nag-walk out si Sarah sa concert nilang magkakapatid dahil hindi na raw niya ma-take ang pagpapanggap. Binibigyan na rin ng highlight sa istorya ng Pangarap ang loveteam nina Maja at Jay-R Siaboc. In fairness, may kilig ang kanilang tambalan, huh! Source: Taliba |