Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Oyo ipinalit na kay Vandolph ng Dos

Author: Lolit Solis
Column: Take It Take It

Itinatanong ng fans kung totoo na si Oyo Sotto ang ipapalit kay Vandolph sa role nito sa television version ng Palos.

Hindi ko alam ang tumpak na kasagutan pero siguradong malalaman ng fans ang katotohanan kapag nag-umpisa na ang taping ng TV series na tatampukan ni Jake Cuenca.

Natsugi si Vandolph sa cast ng Palos dahil diumano, hindi natuwa ang manage­ment ng ABS-CBN nang ibigay niya sa GMA 7  ang exclusive rights ng coverage ng kasal nila ni Jenny Solimao na ipinalabas sa Startalk noong Sabado.

Hindi inaasahan ni Vandolph na magkakaroon ng kontrobersiya ang kanyang pagpapakasal dahil hindi raw sila nakatanggap ng offer mula sa ABS-CBN.

* * *

May correction please si Marlon Fabian, ang mhin na nag-confess na may nag-utos sa kanya na magpadala ng e-mail sa mga entertainment reporter para mapagtakpan ang 'naughtiness' ni Rhian Ramos:

Nabasa ko pa ang article n'yo sa PSN about yung e-mail ko sa inyo. Gusto ko lang pong itama na Marlon po ang pangalan ko at hindi  Michael. Baka naguluhan lang po kayo dahil yung Michael Tuviera po ang direktor na na-link kay Rhian noong time ng Captain Barbell, The Promise at Lupin. 'Yan nga po ang isa sa dahilan kung bakit pinagawan ng isyu sina Rhian Ramos at Paolo Paraiso. Gusto nilang mapatay ang isyu na yan pati na ang pagiging school drop-out ni Rhian sa San Beda Alabang.

* * *

Si Michael Tuviera ang isa sa mga direktor ng Shake, Rattle & Roll 9. Kung magkakaroon uli ng presscon ang pelikula at sumipot si Michael, baka usisain na siya ng mga reporter tungkol sa pagkaka-link niya kay Rhian.

Dalawang entertainment columnist ang nakakita kina Rhian at Michael noong isang taon nang kumain sila sa isang Thai restaurant sa Greenbelt, Makati City.

Dahil magkasama nga sila sa isang TV series, hindi binigyan ng malisya ng dalawang kolumnista ang 'dinner date' nina Rhian at Michael. Ngayon lang nila naalala ang insidente nang kumalat sa mga e-mail ang tsismis na diumano, nagkaroon ng relasyon sina Rhian at  Michael.

Parang mahirap paniwalaan ang tsismis dahil likas ang pagiging malambing ni Michael sa mga artista na katrabaho niya.

Very close nga sila ng aking alagang si Pauleen Luna. Kung hindi alam ng publiko na si Mayor Sherwin Gatchalian ang boyfriend ni Pauleen, baka mapagkamalan pa nila na boyfriend niya si Michael dahil best of friends nga sila.

Naging close sina Pauleen at Michael sa set ng Shake, Rattle & Roll na filmfest entry ng Regal Films.

Palaging nagkakasama sa mga event sina Pauleen at Michael dahil ang pa­mil­ya nito ang produ ng Eat Bulaga.

* * *

Natawa ako kina Lyn Ching at Suzi Entrata dahil ang balita ko kahapon tungkol kay Valerie Concepcion ang kanilang binasa sa Unang Hirit pero edited ang pagkakasabi nila.

Nagpaka-safe sina Lyn at Suzi. Hindi nila sinabi na kinukuwestyon ng mga baklita ang pralala na nakakaapekto sa wholesome image ni Valerie ang kissing scene nila ni Manny Pacquiao sa Anak ng Kumander. Nag-react ang mga baklesh dahil hindi nila matanggap na wholesome ang image ni Valerie porke maaga raw itong naging dalagang ina.

Siney na lang nina Lyn at Suzi na basahin  na lang ng mga tao ang PSN para malaman nila kung ano ang eksaktong isinulat ko.

I'm sure, nadagdagan ang benta kahapon ng PSN dahil na-curious ang mga tao sa sinabi nina Lyn at Suzi.

Hindi  ako magugulat kung mag-react din si Valerie sa opinyon ng mga baklesh dahil makakatulong din 'yon para mapag-usapan siya at ang filmfest movie nila ni Manny.

Source: The Philippine Star